Friday , May 27 2022
Angela Morena

Angela Morena enjoy na tawaging Pantasya ng Bayan

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

INE-ENJOY ni Angela Morena ang pagtawag sa kanya bilang Pantasya ng Bayan dahil isa iyong compliment para sa kanya.

Katwiran ng pamangkin ni Lara Morena“I enjoy being called pantasya ng bayan. I think it’s a compliment. For me, being sexy is being able to embrace your own self, the way you look, talk and even think.

“Kasi for anyone to be sexy, dapat confident siya sa sarili niya, so accept yourself, whatever you are. But also try to improve because learning is a never ending process. I’m very thankful to all the people I get to work with kasi they help me become a better person,” esplika pa ng dalaga.

“In every role I do, I always take it seriously. Itinuturing kong challenge at pinag-aaralan kong mabuti to show that I can be a versatile actress. As of now, the roles I get are usually malayo sa totoong personality ko. Kasi hindi naman ako temptress sa totoong buhay. Very conservative nga ako,” dagdag pa ni Angela na mapapanood sa bago niyang pelikula sa Vivamax, ang High On Sex kasama si Wilbert Ross.

Ipinagtanggol naman ni Angela ang Vivamax ukol sa mga nagsasabing puro sex at hubaran ang napapanood sa Vivamax.

“Sa mga humuhusga sa palabas namin, na puro hubaran lang, sana panoorin n’yo muna ang movie or show bago kayo manghusga.

“‘Yung ‘Iskandalo’ na 10-part series, maganda ang story niyon at hindi puro hubaran. It’s about the dangers of allowing yourself na makunan ng sex video, na kapag na-upload sa internet at naging viral, tiyak na sisirain ang reputasyon mo,” depensa ng sexy star.

Sinabi pa ni Angela na wala siyang nakikitang problema sa mga babaeng pumapayag  magbuyangyang ng buong katawan habang kinukunan ang pagse-sex ng kanilang partner.

“Nasa sa tao naman ‘yan, eh. Kung may consent ng bawat isa at pareho kayong wild and adventuruous sa lovemaking n’yo, eh ‘di sige, go.

“But then, be ready sa whatever consequences na puwedeng mangyari. Baka manakaw ang cellphone n’yo o mag-break kayo at i-leak ng partner mo. In any case, dapat ingatan ang cellphone nila kasi kapag nawala at napunta sa iba, tiyak na iskandalo ‘yan,” diin niya.

Nagmarka si Angela sa pelikulang X-Deal 2 na nakipag-threesome siya kina Josef Elizalde at Rob Guinto at sa Vivamax original series na Iskandalo na nakipag-sex scene naman siya kay Sean de Guzman.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Bea Alonzo spain house

Pagbili ng apartment ni Bea sa Spain sisiw lang sa aktres

REALITY BITESni Dominic Rea SISIW lang o barya lang para kay Bea Alonzo ang halaga ng binili …

Xian Gaza Barbie Imperial

‘Lampungan’ sa socmed nina Barbie at Xian saan mauuwi?

REALITY BITESni Dominic Rea MAY patutunguhan ‘yang ‘lampungan’ sa social media o exchange of words …

Cara Gonzales Ikaw Lang Ang Mahal

Cara Gonzales palaban bilang direktor na pokpok

HARD TALKni Pilar Mateo ANO ba ‘yung pinanood ko? Ibang klase talaga itong si Direk Richard …

Sylvia Sanchez Lee Jung-jae

Sylvia nakadaupang palad si Lee Jung-jae

PROUD na ibinahagi ni Sylvia Sanchez sa kanyang social mediaaccount ang picture nila ng Korean superstar na …

Regine Velasquez Moira dela Torre Gary V Chito Miranda

Regine, Moira, Chito, at Gary mga hurado ng Idol Phils Season 2

NAGBABALIK ang pinakamalaking singing competition sa bansa, ang Idol Philippines  sa ikalawang season nito kasama ang minahal …