I-FLEX
ni Jun Nardo
PANSAMANTALANG nakalaya ang aktor na si Kit Thompson dahil nakapagpiyansa ito ayon sa report ng DZBB kahapon.
Kaugnay ito ng isinampang reklamo sa umano’y pag-detain at pambububog sa girlfriend na si Ana Jalandoni.
Walang ibinigay na pahayag si Kit o ng lawyer niya tungkol sa pansamantalang paglaya ng aktor dagdag pa sa report.
Kumusta naman kaya ngayon si Ana?
Bago ito, lumabas sa balitang desidido ang kampo ni Ana na magsampa ng reklamo laban kay Kit sa husgado.