Friday , March 1 2024
Ana Jalandoni Atty Faye Singson

Ana Jalandoni, inaming pinagbantaang papatayin ni Kit Thompson

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

SINAMPAL, sinuntok pati sa ulo, sinakal, inuntog ang ulo, at binalibag sa kama. Iyan ang ilan sa mga sinapit ni Ana Jalandoni sa kamay ng kasintahang si Kit Thompson nang malasing ang huli at pagbintangan si Ana na iiwan siya ng aktres na 4 months na niyang karelasyon.

Nagismula ang traumatic experience ni Ana noong March 17 sa isang hotel sa Tagaytay.

Sa ginanap na press conference, humarap si Ana sa media kasama ang mga abogado niya sa pangunguna ni Atty. Faye Singson. Kasama rin dito ang kanyang amang si Mr. Lawrence Jalandoni at kapatid na si Marie.

Sa naturang presscon, matagal bago nakapagsalita si Ana dahil sa pag-iyak. Nang nakapagsalita na at nahimasmasan nang kaunti, ilang beses tumigil at napa-iyak muli si Ana habang nagkukuwento ng kanyang sinapit kay Kit.

Panimula nang aktres/producer, “Nasaktan po ako, hindi ko po kaya… sasabihin ko na lang po ang nararamdaman ko…

“Masakit po iyong pinagdaanan ko, dahil hindi ko po iyon nakita na mangyayari sa akin iyong ginawa sa akin ng mahal ko.”

Patuloy pa ni Ana habang umiiyak pa rin, “Wala pong babae na gustong masaktan ng dinanas ko… marami po akong dinaanan sa buhay ko, pero yung nangyari sa akin hindi ko po iyon alam kung kakayanin ko…

“Hirap po yung isip ko, hirap yung puso ko dahil nasaktan po ako nang lubusan.

“Alam ko po yung anger problem niya, sinabi po niya iyon sa akin noon…” humahagulgol na saad pa ni Ana.

Kabilang sa kasong haharapin ni Kit ang VAWC o Violence Against Women & their children, Serious Illegal Detention, at Frustrated Homicide.

Nilinaw din ni Ana na walang pagtatalong naganap sa kanila ni Kit, bago siya nito bugbugin o saktan.

Kuwento pa ni Ana, “Ang nangyari po kasi, nag-uusap po kami dahil yun nga po, gustong-gusto na niya akong pakasalan. Sabi niya ay mahal na mahal niya ako, ganyan at ganoon din po ako sa kanya…

“Tapos ibinalik niya sa aking tanong yung sa ex ko, sabi niya, ‘Iniwan mo yung ex mo, di ba? Di ba hiniwalayan mo siya…’ Sabi ko, ‘Oo, ang tagal na niyon, 2018 pa iyan at alam mo kung ano ang nangyari, kung bakit…’

“Tapos sabi niya, ‘Ako ‘pag iniwan mo ako, patayin kita.’ Tapos sabi pa niya, ‘Akin ka lang, di ka puwedeng mapunta sa iba, mahal kita.’ Sabi ko sa kanya, ’Mahal kita, di kita iiwan, alam mo iyan,’ Tapos ay nilapitan ko siya at hinalikan ko siya sa ulo niya.”

Tapos daw ay nagpunta sa bathroom si Ana para tawagan ang isang kaibigan pero walang signal, kaya siya lumabas at naghanap ng signal. Sa third floor daw ng hotel, dahil naka-inom ay naka-idlip siya habang naghihintay ng signal.

“After niyon, nakita na ako ng lady guard, si Ate Sonia, narinig ko pa na sinabi ni Ate Sonia na guard, ‘Sir Kit, narito si Mam Ana’. So, umakyat si Kit sa third floor at binuhat ako ni Kit. Dimiretso na siya sa room at doon na niya ako sinaktan.

Ang sapantaha ni Ana na nag-trigger kaya siya nasaktan ni Kit ay dahil iniisip daw marahil nito na iiwan niya ang kasintahan. “Perception ko lang is, siguro ay pumasok sa isip niya na iiwan ko rin siya gaya nang ginawa ko sa ex ko. Kasi umalis nga ako, parang akala niya, na ilang minutes din niya akong hinanap, akala niya ay iniwan ko na siya,” esplika pa ni Ana.

Inamin din ng aktres na ikinasal na siya rati sa US. “Ikinasal po ako noon, sa States po, pero hindi po kami nagsama sa isang bahay, kasi September 2017 iyon, December kami umuwi ng Filipinas at January 2018 ay hiwalay na po kami,” aniya pa.

Nang nakatulog si Kit, nagkaroon ng pagkakataon si Ana na makapag-text sa unang nakita niya sa kanyang CP nang at nakapunta siya sa banyo. Although ilang beses daw siyang bumagsak dahil sa sobrang sakit ng katawan, nang nasa banyo at nagbukas ng ilaw, dito lang niya nakita ang grabeng bugbog na dinanas. Pinigil daw ng aktres ang pag-iingay kahit umiiyak dahil sa awa sa sarili at baka raw kasi magising si Kit at muli siyang bugbugin.

Nang nakapag-text na si Ana para humingi ng saklolo, halos dalawang oras bago dumating ang mga pulis, ni-rescue siya, at nadala sa hospital.

Sa ngayon ay dumaranas ng anxiety at trauma si Ana, lalo na kapag gabi na hirap na hirap daw siyang makatulog.

Inamin ni Ana na mahal pa rin niya si Kit, pero hangad ng aktres na makamit ang katarungan at makulong si Kit, matapos ang bangungot na sinapit sa kamay mismo ng lalaking mahal niya.

About Nonie Nicasio

Check Also

Michael Sager Sager Warriors

Sager Warriors sinorpresa si Michael sa kanyang ika-21 kaarawan

MATABILni John Fontanilla GRABE ang pagmamahal at importansiyang ibinibigay ng fast rising teen actor ng Kapuso …

Andrea Brillantes kasambahay motor

Andrea Brillantes 2 kasambahay binigyan ng motor  

MATABILni John Fontanilla BAGO ma-bash ng netizens ay pinangunahan na ng controversial Kapamilya actress na si Andrea Brillantes na …

Sofia Andres Kathryn Bernardo Sarah Lahbati

Sofia nakahanap ng tunay na kaibigan kina Kathryn at Sarah

MA at PAni Rommel Placente MAHIRAP talagang humanap ng tunay na mga kaibigan sa showbiz. …

Robin Padilla Mariel Rodriguez IV Drip

Sen Robin at Mariel humingi ng sorry sa gluta session

MA at PAni Rommel Placente NAGPADALA ng dalawang sulat si Sen. Robin Padilla noong Lunes, February 26,  …

Sam Milby Catriona Gray

Sam at Catriona kompirmado may pinagdaraanan

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio SA wakas binigyang-linaw na rin ng talent management nina Sam Milby at Catriona …