Friday , April 18 2025
ping lacson reference id

 Surveys are not elections — Lacson

TAHASANG sinabi ni presidential candidate Senador Panfilo “Ping” Lacson, ang survey ay hindi eleksiyon, matapos hingan ng reaksiyon ukol sa resulta ng pinakahuling survey.

Ayon kay Lacson ang eleksiyon sa 9 May 2022 ang totoong survey dahil mismong ang taongbayan at lahat ng mga botante ang lalahok.

Iginiit ni Lacson, hindi siya nababahala o natatakot sa lumalabas na resulta ng survey dahil ang mas mahalaga sa kanya ay maipaabot sa taongbayan ang plataporma de gobyerno ng tambalang Lacson-Sotto.

Ipinunto ni Lacson, ang naturang survey ay ibang-iba kapag nakahahalubilo at nakakausap niya ang mga mamamayan.

“I’m not bothered at all simply because the numbers, I feel on the ground are different from what surveys indicate,” ani Lacson.

Naniniwala si Lacson, sapat na ang kanyang mga sinabi at mga sinagot na tanong sa mga nilahukan niyang mga forum at presidential debates para makilala siya nang lubusan ng taong bayan.

Ngunit sinabi ni Lacson, walang makahahadlang upang hindi siya magpatuloy sa pangangampanya at mag-ikot at kausapin ang mga mamamayan at botante hanggang sa pagsapit mismo ng halalan.

Binigyang-linaw ni Lacson na hindi niya kinukuwestiyon ang kredibilidad ng bawat survey ngunit hindi naman aniya ito kumakatawan sa mismong mayoryang botante ng ating bansa. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Tour of Luzon The Great Revival a complete package

Tour of Luzon ‘The Great Revival’ a complete package

Ang Tour of Luzon a complete package ng isang multi-stage race sa pagbabalik ng kilalang …

Philippine Aquatics Inc PAI Water Polo

PH Youth squads sasalang sa Malaysia Water Polo tilt

ANG Philippine Aquatics, Inc. (PAI) ay bumuo ng 30-man Philippine Junior Teams (lalaki at babae) …

PVL Rookie Draft 2025

Matapos ang Makapigil-hiningang Finals, PVL tumutok sa Rookie Draft Mode

KAMAKAILAN lang mula sa kapana-panabik na pagtatapos ng Premier Volleyball League (PVL) All-Filipino Conference Finals …

Sarah Discaya

Walang Katotohanan sa Umano’y Pang-aabuso sa PWD sa Pasig

ISANG residente ng Lungsod ng Pasig na lumahok sa pamamahagi ng bigas—kung saan na-interview ang …

Imelda Aguilar Dalia Varde Khattab

Pambato ng Las Piñas sa 2025 Binibining Pilipinas bumisita kay Mayor Aguilar

MALUGOD na tinanggap ni Mayor Imelda “Mel” Aguilar sa kanyang tanggapan ang 21-anyos Filipino-Egyptian actress …