Friday , November 15 2024
Bongbong Marcos BBM Comelec Pili Pinas

BBM umatras sa comelec pres’l debate

TULUYANG nabahag ng buntot ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr., nang umatras sa imbitasyon ng Commission on Elections (Comelec) para sa presidential debates.

Ito mismo ang kinompirma ng Chief of Staff at tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Vic Rodriguez sa isang pahayag.

Ayon kay Rodriguez, mas nais daw ni Marcos na makasama ang kanyang mga tagasuporta sa araw na iyon.

“Presidential frontrunner Bongbong Marcos’ words are his bond, thus we shall honor our commitment to our supporters to be with them on the field on this day,” ani Rodriguez.

Sinabi ni Rodriguez, ipagpapatuloy lamang ni Marcos ang kanilang direktang pakikipag-usap sa taong bayan at ito ay sa pamamaraan ng face to face.

“We shall continue with our preferred mode of direct communication with the people and engage them in a more personal face to face interaction that discusses real issues that affect them today, tomorrow and in the days to come as this election is all about our collective future,” dagdag ini Rodriguez.

Samantala nagpapasalamat si Marcos sa pinakahuling survey results na siya ay nanatiling nangunguna.

Iginiit ng kampo ni Marcos, patunay ito na hindi naniniwala ang taongbayan sa mga paninira laban sa kanya. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …