Friday , November 15 2024
PM Vargas

Trabaho para sa tao tugon ni Konsehal PM Vargas sa QC

NGAYONG nasa Alert Level 1, sinabi ni Konsehal PM Vargas ng Quezon City, importanteng maisulong ang mga programang makapagbibigay trabaho sa mas maraming mamamayan, lalo na’t tumaas ang presyo ng bilihin bunsod ng kaguluhan sa Ukraine at dahil na rin sa patuloy na pandemya.

“Kailangan natin isulong ang mas malawakan pa, at mas lalong pinalakas na mga programang nagbibigay ng trabaho dito sa mga taga-Quezon City!”

Sa umpisa ng pandemya, tinatayang 28,000 ang agarang nawalan ng trabaho sa Lungsod.

Ang mga sunod-sunod na lockdown ay nagpalobo pa sa datos na eto dahil sa pagsasara ng maliliit na negosyo.

Siyempre inuna namin ang ayuda ani Konsehal Vargas, tapos isinunod na ang komprehensibong paglatag ng mga programang katuwang si Mayor Joy Belmonte.

Holistic ang approach sa pangkabuhayan programs ng lungsod Quezon at lubos ang naging suporta ng buong Konseho dito na pinamunuan naman ni VM Gian Sotto.

“Tiningnan naming mabuti ‘yung needs and solutions para may epekto eto agad sa tao at mga pamilyang pinakaapektado,” ani Vargas.

Nakapagtatag ang Lungsod Quezon ng mga programang pangkabuhayan na komprehensibo ang naging epekto.

Mula sa pagbibigay ng mga bisikleta para sa kailangang magpunta sa trabaho, skills training programs, job referrals, dagdag pondo sa negosyo, livelihood training courses at feeding program para sa mga pamilyang pinakaapektado.

Itinala sa District 5 pa lamang ng Lungsod, 400,000 ang naging benepisaryo ng feeding program. 21,335 ang nabigyan ng puhunan at sumailalim sa livelihood programs na nakatanggap ng mga kabuhayan showcase at mga selling carts para makapagsimula muli sa negosyo.

Umabot sa 272,388 ng natulungang mga pamilya habang kasagsagan ng CoVid-19. Hindi kukulangin sa 295 gusali ang naipatayo na nagbigay trabaho sa mga mason at karpintero sa Distrito 5, kasama ang 14 Barangay Halls na nalagyan ng libreng wi-fi.

Kaakibat ng pagkasa ng mga programa, nagpa- survey din ang lungsod, at lumabas na ang pinakahiling talaga ng tao ay matugunan ang kawalan ng trabaho dulot ng pandemya.

“Hindi kasi naniniwala ang mga tao rito, lalo sa Distrito Singko sa ‘bigay pera’ o dole-out system, ang gusto nila e ‘yung talagang may pagkakakitaan sila!”

Dagdag ng Konsehal, “Hahangaan mo ang mga tao sa Novaliches, nakai-inspire magserbisyo rito!”

“Bukod sa masipag at pursigido, hindi takot sa trabaho ang Novalenyo. Mabigyan lang sila ng opportunity, they will shine.

“At eto ang opportunity para sa lahat: trabaho at livelihood para sa laging gustong siguradomng umasenso!”

Pahayag ni Konsehal PM Vargas na layong sumunod sa yapak ng nakatatandang kapatid na si Kong. Alfred Vargas, na maglulunsad siya ng mga Batas na magpapaigting sa paglikha ng trabaho, seguridad sa trabaho at magpapalakas pa sa maliliit at medium scale na mga negosyo.

“Magiging mas close pa ang relasyon ng Kongreso at LGU para sa full recovery at makapagbigay ng trabaho para sa tao kung palarin tayong maupo sa Kongreso. ‘Yan ang pangakong puwedeng itatak sa bato,” ani PM Vargas! (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …