Friday , November 15 2024
Nurse Teacher

Umento sa sahod ng nurses, guro dadahan-dahanin, pero sigurado sa Lacson-Sotto admin

KAISA si Partido Reporma standard-bearer Ping Lacson sa mga nagsusulong para itaas ang suweldo ng mga pampublikong guro at nurse, kaya hinihiling niya sa mga Filipino na mabigyan siya ng pagkakataong mamuno bilang pangulo para maiayos ang pamamahala sa pambansang budget.

Ayon kay Lacson, kayang i-adjust ang sahod ng mga guro at nurse kung patas at walang katiwalian sa pamamahagi ng pondo ng bayan. Napag-usapan ang isyung ito sa pagbisita ni Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Tito Sotto sa Lungsod ng Pasig nitong Miyerkoles.

Isang ina ang humiling na sana’y maipantay na sa ibang kawani ng gobyerno ang suweldo ng mga nurse sa pampublikong ospital para hindi na maisip ng mga frontliner tulad ng kanyang anak na magtrabaho sa ibang bansa.

“Kaya pong gawin pero hindi mabibigla. Pero ang masasabi lang namin dahil pagkalaki-laki nga ng ating national budget na hindi nagagamit, puwede pong ma-implement ‘yan. Doable po ‘yan na ‘yung suweldo ng mga nurse [at] suweldo ng mga teacher maipapantay sa suweldo ng pulis, ng military, at saka…lahat ng [mga nasa] uniformed services pati ‘yung Philippine Coast Guard,” sabi ni Lacson.

Para patunayan na kaya niyang matupad ang pangakong ito, inilahad ni Lacson na siya ang gumawa ng paraan para makapaglaan ng P3-bilyong pondo na kinakailangan para madagdagan ang suweldo ng mga bagong government nurse patungo sa salary grade 15 na umabot sa P35,000.

“Kasi natiyempo nagba-budget deliberation kami noon. Ako po ‘yung nakahanap ng P3-billion para agad-agad maimplementa ‘yung dagdag na suweldo ng [mga] nurse. Kasi ako [ang] mahilig magbusisi sa national budget. Lagi akong nag-i-scrutinize, tinitingnan ko ‘yung mga puwedeng ilipat sa ahensiya tulad nito kaya agad na-implement ‘yon,” aniya.

Nauunawaan ni Lacson ang hinaing ng ina na inilatag ang nasabing isyu sa ginanap na public forum. Ayon sa presidential candidate, napapanahon na para maibigay sa mga nurse, doktor, at maging sa mga guro ang dagdag na benepisyo, lalo pa’t malaki rin ang kanilang sakripisyo ngayong pandemya.

Sinabi ng chairman ng Partido Reporma na ito ang dahilan para ilagay nila ni Sotto ang probisyon para sa special risk allowance ng mga nurse, healthcare worker, at iba pang medical frontliner sa ‘Bayanihan to Heal as One Act’ na ipinasa ng ika-18 Kongreso noong Marso 2020 sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic.

“So, lahat ng paraan ginagawa natin para kung hindi man maipasok sa suweldo, sa mga allowances man lang o mga risk allowance, hazard pay may dagdag kaya umabot po ng P35,000… So, kaya po ‘yan basta’t masinop lang tayo sa pagpapasa o kaya pag-iimplementa ng ating national budget,” sabi ni Lacson. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

La Consolacion College Fire

Sa Mendiola, Maynila  
LA CONSOLACION NASUNOG EMPLEYADO SUGATAN

SUGATAN ang isang empleyado sa sunog na tumupok sa La Consolacion College, sa Mendiola St., …

Motorsiklo sinikwat tirador natunton sa mga kuha ng CCTV

Motorsiklo sinikwat ‘tirador’ natunton sa mga kuha ng CCTV

NADAKIP ng mga awtoridad ang isang lalaki matapos nakawin ang isang nakaparadang motorsiklo sa Sta. …

Carlwyn Baldo

Kalusugan nalagay sa alanganin
LEGAL TEAM NI DARAGA MAYOR CARLWYN BALDO PINAG-AARALAN KASONG ISASAMPA LABAN SA NURSE  
Warden humingi ng paumanihin

PINAG-AARALAN ng kampo ni Daraga Mayor Carlwyn Baldo ang kasong isasampa laban sa nurse ng …

Duterte Gun

Duterte aminadong pumatay ng 6 o 7 kriminal noong alkalde ng Davao City

INAMIN ni dating Pangulong Rodrigo Duterte kahapon, Miyerkoles na pumatay siya ng anim o pitong …

111424 Hataw Frontpage

PH mistulang killing fields sa ‘Duterte drug war — Solon

ni GERRY BALDO NAGMISTULANG killing fields ng mga drug suspect at inosenteng sibilyan ang Filipinas …