Sunday , December 22 2024
kiko pangilinan

Pangilinan sa gobyerno:
GALAW-GALAW, TAONG BAYAN NAGHIHIRAP NA

PINAALALAHANAN ni Vice Presidential candidate Senator Francis “Kiko” Pangilinan ang pamahalaan na agarang kumilos dahil sa patuloy na paghihirap ng taong bayan lalo ngayong patuloy ang pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo sa bansa na lubhang apektado dahil sa sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine.

“Ang daing ng ating mga magsasaka at mangingisda ay ‘yung tulong ay hindi nararamdaman. Para maramdaman iyon, dapat madaliin at bilisan [ang release],” ani Pangilinan.

Ayon kay Pangilinan, ano ang ginagawa ng nakalaang P500 milyon para sa fuel subsidy ng mga magsasaka at mangingisda at ang P2.5 bilyon para sa sektor ng transportasyon.

Bukod dito nanawagan din si Pangilinan sa pamahalaan na agarang ipatupad ang Sagip Saka Act lalo sa mga lokal na pamahalaan upang direktang bilhin ang mga produkto sa mga magsasaka at mangingisda.

Sinabi ni Pangilinan, matityak ng mga magsasaka, mangingisda, at local manufacturers na mayroon silang mga siguradong customer o mamimili na magreresulta sa huli ng mababang presyo at maiibsan ang tag-gutom.

“Kaya hello pagkain, goodbye gutom,” dagdag ni Pangilinan.

Iginiit ni Pangilinan, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina ay lubhang apektado ang mga gastusin sa pagkain ng mga manggagawa at mga naghahanapbuhay.

“Galaw-galaw dahil patuloy ang paghihirap ng ating mga kababayan gawa ng nangyayaring gera sa pagitan ng Ukraine at Russia. Muling nagtaas ang presyo ng gasolina at bunga nito ang tuloy-tuloy na pagtaas din ng presyo ng mga bilihin,” ani Pangilinan.

“Napapabalita na muling tataas ang gasolina sa susunod na linggo. Ano na lang ang matitira sa ating mga kababayan? Bigyan naman natin sila ng dignidad,”dagdag ni Pangilinan. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …