PABONGGAHAN
ni Glen P. Sibonga
BUMILIB at humanga kami sa bagong all-female P-Pop group na Calista dahil sa ipinamalas nilang bonggang performance sa ginanap na grand media launch nila noong March 8 sa Monet Ballroom ng Novotel Manila.
Hindi rin nagpakabog ang Calista sa kanilang sikat na special guests na sina Billy Crawford at Niana Guerrerosa kanilang collab performance sa press launch hosted by DJ JhaiHo.
Talaga namang hitik sa ganda, talento sa pagkanta at pagsayaw, gayundin sa husay at talino sa pagsagot sa mga tanong ng press at media people ang mga miyembro ng Calista na sina Anne, Olive, Laiza, Denise, Elle, at Dain.
Handa na nga ang Calista na makipagsabayan sa iba pang girl groups sa industriya ngayon. Ayon nga kay Olive, “Ang dami ng girl groups ngayon, actually, and we all have the same goal to be number one and we worked hard for the position that were given. But for Calista, I can say that we are on a league of our own. We don’t compete with the others, we just compete for ourselves so that we’ll be able to grow and to catch the dream na pinapangarap namin talaga.”
Dagdag pa ng ibang miyembro, taglay nila ang passion at commitment upang magtagumpay sa industriya and to be on top.
Ini-launch din ng Calista sa event ang music video ng kanilang debut single na Race Car, written and composed by Marcus Davis. Ang music video ay produced by Merlion Events Production Inc.
Hindi naman napigilang maging emosyonal ng mga miyembro ng Calista nang magpasalamat na sila sa isa’t isa dahil sa lahat ng kanilang pinagsamahan hirap at pagod sa trainings ngayon ay naabot na nila ang kanilang pangarap. Nagpasalamat din sila sa lahat ng press na dumalo sa launch, sa kanilang mga pamilya, sa manager nilang si Tyronne Escalante at sa Merlion Events Production Inc.
Inanunsiyo rin ng Calista sa media launch ang upcoming concert nila na Vax to Normal na magaganap sa April 26, 2022 sa Smart Araneta Coliseum. Makakasama nila sa concert sina Yeng Constantino, AC Bonifacio, Elmo Magalona, Andrea Brillantes, Darren Espanto ,at Ken San Jose. Produced by Merlion Events Production Inc., ang Vax to Normal ay ipalalabas naman sa telebisyon sa May 1, 9:00 p.m., sa TV5.