Tuesday , November 19 2024
Alex Lopez

Kapag nanalong alkalde
UTANG NG MAYNILA HINDI PAPASANIN NG MANILEÑO — LOPEZ

TINIYAK ni Manila mayorality candidate, Atty. Alex Lopez na kanyang tututulan at ibi-veto ang lahat o dagdag na buwis na pagtitibayin ng konseho ng lungsod ng Maynila.

Ito ay sa sandaling mahalal siya bilang alkalde ng lungsod matapos ang magiging resulta ng halalan sa 9 Mayo 2022.

Ayon kay Lopez, wala siyang balak dagdagan ang pahirap sa mga mamamayan ng Maynila.

Ipinunto ni Lopez, mayroong sapat na pera ang kaban ng bayan ng lungsod para maihatid ang tamang serbisyo sa mga taga-Maynila.

Tinukoy ni Lopez, sa ilalim ng Mandanas Ruling, nakapaloob ang Internal Revenue Allotment (IRA) shares ng bawat lungsod at munisipalidad para sa kanilang bahagi mula kabuuang pera o pondo ng pamahalaan.

Sinabi ni Lopez, hindi rin dapat taasan ang bayarin ng mga mamamayan para lamang dagdagan ang pondo ng lungsod.

Siniguro ni Lopez, hindi niya ipapasa o pababayaan ang taong bayan na magbayad ng pagkakautang ng lungsod mula sa nakalipas na administrasyon.

Iginiit ni Lopez, mayroong sapat na pagkukuhaan ng salapi ang lungsod para mabayaran ang utang.

Napag-alaman o natuklasan ng kampo ni Lopez, mayroong nautang na P15 bilyon ang kasalukuyang administrasyon ng lungsod. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …