Monday , November 18 2024
Ping Lacson Chiz Escudero Tito Sotto

Tunay na magtropa
PING IPINAGMANEHO NI CHIZ SA SORSOGON

BUO ang tiwala ni Partido Reporma standard-bearer Panfilo “Ping” Lacson sa suporta ng kanyang kaibigan at dating kasamahan sa Senado na si Governor Francis “Chiz” Escudero na personal na nagmaneho para sa kanya nang bisitahin nila ang Sorsogon nitong Huwebes.

Nagtapos ang Quezon-Bicol campaign leg ni Lacson at ng kanyang running mate na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa probinsiya ng Sorsogon na anila’y isang ‘Nationalist People’s Coalition (NPC) country’ dahil sa kanilang mga kaalyadong lokal na opisyal.

“No doubt. Ang masasabi ko lang, alam n’yo ba kung sino ang driver ko papunta rito? Si Governor Escudero,” lahad ni Lacson sa press conference na idinaos sa Sorsogon People’s Mansion, nitong Huwebes, kasama rin ng kanilang senatorial candidate na si dating police chief Guillermo Eleazar.

Sabi ni Sotto, “Totoo naman, NPC country ito at saka obvious na obvious sa kilos na, ‘ika nga, Lacson-Sotto ay malapit na malapit sa puso ng mga taga-Sorsogon dahil sa kanilang liderato.”

Malaki rin ang kompiyansa ni Sotto, chairman ng NPC, sa suportang makukuha niya sa kanyang mga kapartido para palakasin pa ang kanilang kandidatura ni Lacson.

Aniya, magpupulong ang mga lider ng bawat distrito at rehiyon ng NPC sa darating na Lunes upang pag-usapan ang kanilang pagsuporta sa tambalang Lacson-Sotto.

Kuwento ni Lacson, napag-usapan nila ni Escudero na dati nilang kasamahan sa Senado, ang magagandang nagawa ng huli sa kanyang probinsiya at tiwala siya na magagawa rin ito ng gobernador sa mas malawak pang antas kung mananalo siyang muli bilang senador.

“Habang [nasa] daan nagkukuwentohan kami. ISO-certified ‘yung probinsiya, seven municipalities plus the province, ISO rin. And ‘yung police provincial office, best provincial office ng PNP. So, ano pa ‘yung masasabi natin? Talagang success story, ‘ika nga. And sabi ko nga, a lot (of it) has to do with leadership,” ani Lacson. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …

COMELEC Vote Election

Erice naghain ng supplemental Motion para tuluyang ibasura kontrata ng Comelec–MIRU

NAGHAIN ng supplemental motion sa Korte Suprema si dating Caloocan City congressman Egay Erice para …