I-FLEX
ni Jun Nardo
BUONG ningning na ibinahagi ni Sharon Cuneta sa kanyang social media account ang lumabas sa international na magazine na Variety ang balitang bibida siya sa film adaptation ng The Mango Bride na award-winning novel ni Marivi Soliven.
Fan si Sharon ni Soliven kaya gusto niyang gawin ang Mango Bride na nanalo bilang grand prize sa Carlos Palanca Memorial Awards.
Kuwento ito ng dalawang Pinay – isang mayaman at socialite at isang mail order bride – na nagpunta sa California at nag-krus ang landas at maraming natuklasang katotohanan sa pagkikita.
“I wanted to do ‘The Mango Bride’ because it’s the best way to connect to a global audience by putting some of the best Filipino talents and stories together to tell an emotional and uplifting story like this,” bahagi ng pahayag ni Sharon.
Ngayong late 2022 magsisimula ang production ng The Mango Bride. Ang Fil-Canadian na si Martin Edralin ang director.
Tweet pa ni Shawie, “Please pray for this project to succeed. My prayer is that it is able to open for ALL OF US in the industry = FINALLY!”