Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Gloc 9 Yeng Constantino

Yeng naiyak sa collab song nila ni Gloc 9

MULING nag-collab sina Gloc 9 at Yeng Constantino sa awiting Paliwanag. Unang nagsama ang dalawa noong 2011 sa kantang Bugtong na bahagi ng Talumpati album ni Gloc 9.

Ang Paliwanag ay mula sa Universal Records, inareglo ni Thyro Alfaro at inirelease kahapon, Biyernes.

Inamin ni Gloc 9 na matagal na hindi siya nakasulat ng ganitong klase ng musika kaya naman excited siyang iparinig sa kanyang mga tagasubaybay.

Malaking karangalan naman para kay Yeng na sa ikalawang pagkakataon ay muli silang nag-collab ni Gloc 9.

Natanong sina Gloc 9 at Yeng kung ano ang kahulugan ng kanta sa kasalukuyang social at politikal na senaryo sa ating bansa sa isinagawang digital media conference kamakailan.

“Noong isinulat ko ang ‘Paliwanag,’ ‘di ako nagsasalita bilang Gloc-9, rapper o celebrity. Sinubukan ko lang din hukayin kung ano ‘yung malamang na nararamdamang ng karamihan sa mga kababayan natin,” panimulang paliwanag ni Gloc-9

“If you listen to the song, ‘di ko rin ini-exclude ‘yung sarili ko pagdating sa pag-ako ng mga mistake sa nakaraan. Kasama ako roon. At iyon din ang goal ko. I try not to be preachy sa mga kanta at kung mayroon man talaga akong gustong ihatid, kung ano talaga ‘yung nararamdaman ko na malamang na nararamdaman din ng karamihan sa mga kababayan natin,” aniya.

Aminado naman si Yeng na naiyak siya sa kanta lalo na nang paulit-ulit niyang pinakinggan ito.

“Parang nag-strike sakin ‘yung mga question na, at times we tend to blame other people. Pero at times, mayroon din tayong responsibility sa sarili natin. We have the power bilang mamamayan to decide,” anito.

Naiiyak si Yeng sa bahagi ng kanta na, “pinaka passionate, ‘yung sa huli. ‘Yun ‘yung gusto natin na impact.”

Umayon din siya sa ikinatwiran ni Glog 9 na, “We’re not here to preach to anyone kasi iba-iba tayo ng pinaniniwalaan, iba-iba tayo ng interpretasyon. Pero kung anuman ‘yung maging interpretasyon ng mga tao sa kantang ito, may it lead to something beautiful and something na maghahango sa kanila kung saang dilim sila naroon.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …