Saturday , November 16 2024
Tito Sotto, Ping Lacson

 ‘Oplan Wasak’ ilalantad ng tambalang Lacson-Sotto

HANDANG komprontahin nina presidential candidate Senator Panfilo “Ping” Lacson ang nasa likod ng demolition job na ‘Oplan Wasak’ laban sa kanila sa sandaling makakalap o makakuha sila ng sapat na ebedensiya.

Ayon kay Lacson, nakuha nila ang impormasyon mula sa kampo ng isa sa mga tambalang katunggali nila.

Ngunit tumanggi si Lacson o maging si Sotto na tukuyin ang pagkakakilanalan nito.

Paliwanag ni Lacson, idadaan sa tatlong grupo ang gagawing ‘oplan wasak’ laban sa kanilang tambalan upang matiyak na masira ang mga imahen nila sa publiko.

Katuwiran ni Lacson, sinabi niya sa kanyang team matapos malaman ang naturang impormasyon, mas maigi pang unahan niya ang demolition job o ‘oplan wasak’ kaysa unahan siya nito.

Tinukoy ni Lacson na naranasan niyang maunahan ng demolition job o ‘oplan wasak’ noong isang beses  siyang nabiktima nito na siniraan nang siniraan siya at kahit ipinagtanggol ang sarili ay naunahan ng maling paratang at impormasyon.

Sinabi ni Lacson, mayroon pa silang mga kabigan na mayroong kabigan sa ibang mga tambalan.

Tiniyak ni Lacson, sa sandaling matukoy kung sino ang nasa likod ay tiyak na isasapubliko nila ang pangalan.

               Hindi na bago kay Lacson ang mga ganitong uri ng harassment. Matatandaan na target siya noon ng paninira at pekeng impormasyon na ipinakalat nina Antonio Luis Marquez (a.k.a. Angelo “Ador” Mawanay), Mary Ong (a.k.a. Rosebud), at noo’y Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines chief Victor Corpus, kalaunan ay umamin sa kanilang kasinungalingan at humingi ng tawad kay Lacson.

Ang mga pangyayaring ito ay nakasaad din sa librong “Deus Ex Machina” na isinulat ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo.

“For most of my career in public service, I was either eating death threats or smear campaigns for breakfast, lunch and dinner. This is not new to me. But it’s high time that the people wake up to the reality that unbridled corruption destroys our nation and the future of our children,” ani Lacson. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …