Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Jeremy G maybe forever

Jeremy G iba’t ibang yugto ng pag-ibig ipinakita sa maybe forever EP

IDINAAN sa paggawa ng kanta ni Jeremy G ang mga pananaw sa pag-ibig na maririnig sa unang extended play (EP) niya na maybe forever.

Tinatalakay sa EP ang iba’t ibang stage ng pagmamahal. Aniya, “Kapag pinakinggan niyo lahat ng kanta, mare-realize niyo na dumadaan tayo sa parehong emosyon. Tungkol ang mga kanta sa pag-asa at sa pag-iisip kung tama ba ‘yung ginawa mo or ‘yung mga nangyari sa’yo.”

Ipinakikita rin sa EP na walang isang ‘final destination’ ang pag-ibig at hindi ito kagaya ng iniisip ng marami na simpleng nagsisimula sa pagkakilala ng dalawang tao, dadaan sa pagsubok, at magkakaroon ng ‘happily-ever-after.’

Kasama sa maybe forever EP ang limang orihinal na kanta na ang apat sa mga ito ay composer at co-producer si Jeremy kabilang na ang pre-release single na someday at  who knows, forever maybe,  at ang key track na sunflower.

Kasama rin ang komposisyon ni Trisha Denise na by your side sa album na ipinrodyus ni Star Pop head Rox Santos

Paliwanag ni Jeremy, para sa mga natatakot na sumubok magmahal ang who knows habang tungkol naman ang by your side sa pagsasabi sa mga minamahal mo kung gaano sila kahalaga sa buhay mo.

Samantala, nagpapahayag naman ng pag-asa para sa long distance relationship ang someday. Isang kanta naman para sa mga heartbroken ang sunflower habang para naman sa mga naghahangad pa rin makasama sa hinaharap ang ex nila ang awiting forever maybe.

Bukod sa kanyang debut EP at pagiging regular performer sa ASAP Natin ‘To, ipapkikita rin ng dating The Voice Teens finalist ang kanyang talento sa pag-arte sa ABS-CBN at iQiyi production na Lyric and Beat na makakasama niya sina Andrea Brillantes, Seth Fedelin, Darren Espanto, AC Bonifacio, Angela Ken, Sheena Belarmino, at iba pa.

Samahan si Jeremy sa iba’t ibang mukha ng pag-ibig at pakinggan ang kanyang debut EP na maybe forever sa digital music platforms worldwide.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …