APRUBADO ng Department of Public Works and Highways (DPWH) ang planta ng Holcim Philippines, Inc. sa Bulacan bilang premyadong pasilidad na may kakayahang masuri ang tibay ng mga produktong magagamit para sa mga proyektong pang-enprastraktura ng pamahalaan.
Ipinagkaloob ng DPWH sa planta ng semento ng Holcim Philippines, Inc, — nangungunang building solution provider sa bansa — sa Norzagaray, Bulacan ang pagkilala matapos makapasa sa mga panuntunan ng pamahalaan sa aspeto ng laboratory competency, quality management system, customer reliability, at mga produkto. Tatagal ang accreditation hanggang Nobyembre 2023.
“Many thanks to the DPWH for accrediting the materials testing laboratory of our Bulacan plant, which is supplying a number of important infrastructure projects in Luzon. Technical support is important for such projects so this accreditation can further strengthen our customer’s confidence in the quality of our products coming from the Bulacan Plant,” pahayag ni Holcim Philippines President and CEO Horia Adrian.
Dalawang pasilidad ng Holcim Philippines ang nabigyan na nang pagkilala ng DPWH bilang mapagkakatiwalaang pasilidad para sa mga kagamitan na kailangan sa mga proyekto ng pamahalaan.
Noong 2017, ang Technical Services and Product Development laboratory sa Holcim sa Paranaque ang unang nakatanggap ng DPWH accreditation in 2017, habang ang planta ng semento sa Davao City ay kasalukuyang sumasailalim sa pagsusuri ng DPWH.
Bukod sa mga dekalidad na pasilidad sa mga planta, ibinida rin ng Holcim Philippines ang kahandaan ng mobile laboratories para matugunan ang pangangailangan ng mga customer na hindi na kailangang pang magtungo sa planta. Ang modernong laboratoryo ng Holcim Philippines ay handang magsagawa ng pagsusuri sa mga material na gawa sa concrete, aggregates, at soil para matulungan ang mga kontraktor sa madaling pagpili ng tamang kagamitan.