Saturday , November 16 2024
Leni Robredo Kiko Pangilinan

Leni-Kiko suportado ng urban poor group

NAGPAKITA ng buong-puwersang pagsuporta ang mga kinatawan mula sa iba’t ibang chapter ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (Kadamay) sa tambalang presidential candidate Leni Robredo at vice presidential candidate Francis “Kiko” Pangilinan.

Ang suporta ng grupo sa tambalang Leni-Kiko ay nag-ugat sa ipinadamang pagkalinga upang sila’y makatawid noong 2020 sa kasagsagan ng unang Luzon hard lockdown.

“Gusto namin si [Kiko] na makaupo sa gobyerno dahil siya po ang tunay na naglilingkod sa masang Filipino. Kami pong mga maralita ay hindi nila kami inihihiwalay sa kanilang tulong at hindi kami nila pinabayaan noong panahon ng pandemya,” ani Nanay Inday Bagasbas, Kadamay National vice chairperson.

Magugunitang noong 1 Abril 2020, ang naturang grupo partikular ang kanilang local arm sa Sitio San Roque ng lungsod ng Quezon ay naharap sa harassment mula sa pulisya matapos magsagawa ng kilos protesta para ipanawagan sa pamahalaan ang paghingi ng tulong sa kasagsagan ng hard lockdown.

Nagtipon-tipon noon ang grupo sa EDSA sa bahagi ng Barangay Bagong Pag-asa para magsagawa ng mapayapang pagtitipon ngunit agad silang binuwag at tinakot ng mga pulis at ang 21 miyembro ay agarang inaresto, kabilang ang mga senior citizen.

Hindi nagdalawang isip noon ang anak ni Pangilinan na si Kakie na agad nag-alok ng pampiyansa sa isa sa mga dinakip, kalaunan nabatid na ang lahat ng inaresto at ikinulong ay pinansiyahan ng mag-asawang Kiko at Sharon.

Dahil dito, tumatak sa puso ng grupo ng mahihirap ang pagtulong at pagkalinga na ginawa ng pamilya ng senador.

“Kaya buong puso kami sa loob ng Sitio San Roque kasama ang KADAMAY National at KADAMAY San Roque na nagpapasalamat sa pamilya Pangilinan na hindi kami pinabayaan,” ani Bagasbas.

Iginiit ni Mimi Doringo, isa sa mga lider ng Kadamay National na gustong-gusto nila ang pangako ni Pangilinan na kapag naluklok siya ay sisikapin niyang mawala ang kagutuman.

“Ito naman ang pangunahing pangangailangan ng mga maralitang tagalungsod… ayaw na po namin ng gutom, sawang-sawa na kami sa paghihirap,” ani Doringo.

Bukod sa piyansa ay nagbigay din ang anak ni Pangilinan ng food assistance sa mga taga-Sitio San Roque na inilalarawan ni Doringo na ‘very personal.’

“Mas personal pa po iyong kanyang anak si Ms. Frankie Pangilinan dahil noong panahon na nagugutom iyong community at may nakulong na 21 katao mula sa Sitio San Roque, mabilis po iyong naging tugon ni Ms. Frankie Pangilinan para magbigay ng tools sa urban gardening,” dagdag ni Doringo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …