Saturday , November 16 2024
Joel Villanueva Sara Duterte

Villanueva inendoso ni Inday Sara

INENDOSO ni vice presidential candidate, Davao City Mayor & Presidential daughter Inday Sara ang kandidatura ni relectionist Senator Joel “Tesdaman” Villanueva, sa kabila na hindi isinama sa senatorial slate ni presidential candidate at dating Senador Ferdinand Marcos, Jr.

Ayon kay Duterte, bagamat hindi nakasama si Villanueva sa mga senatorial line-up ng kanilang tambalan ni Marcos ay kanya pa rin sinusuportahan ang Tesdaman dahil siya ay isa sa kanyang mga kaibigan.

“Meron din akong mga kaibigan na tumatakbong senador na kahit may politika man o wla ay magiging kabigan ko pa rin sila (tulad ni) Joel Villanueva,” ani Mayor Sara sa kanyang speech.

Sinabi ni Sara, bukod sa pagiging magkaibigan ay nanini­wala siya sa kakayahan nito at karapat-dapat makabalik sa senado si Villanueva dahil sa kanyang mga nagawa.

Bagay na agad ipinagpa­salamat ni Villanueva ang suporta at tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng anak ng Pangulo.

Binigyang-diin ni Villanueva, malaking tulong sa kanyang kandidatura ang pag-endoso ng anak ng Pangulo at talaga namang kaibigan niya ang pamilya nito, may eleksiyon man o wala.

Inihayag ni Sara, ang kanyang pag-endoso kay Villanueva sa kanyang speech sa kick-off rally ng UniTeam. Nauna rito, nagpahayag ng suporta si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III sa kandidatura ni Villanueva.

Tinukoy ni Sotto, si Villanueva ay mayroong malinaw na programa para magkaroon ng trabaho at kabuhayan ang bawat mamamayang Filipino.

Magugunitang bago ang pagsisimula ng kampanya ay kasama si Villanueva sa mga senatorial-line up ng tambalang Lacson-Sotto, Pacquiao-Atienza, at Moreno-Ong. Ngunit sa kick-off proclamation rally ng mga nabanggit na tambalan ay walang dinaluhan kahit isa man si Tesdaman bilang pagbibigay-galang at respeto sa bawat partido bukod sa mayroon siyang naunang importanteng imbistasyon.

Nagpaabot ng kanyang pasasalamat si Villanueva sa mga tandem na nagtitiwala at naniniwala sa kanyang kakayahan.

Nagsagawa si Villanueva ng kanyang kick-off campaign sa pamamagitan ng social media na dinaluhan ng mga mamamayang Filipino sa iba’t ibang panig ng Filipinas at ng buong mundo.

Dito inihayag ni Villanueva ang kanyang naging trabaho sa senado at tiniyak sa publiko na muling magtatrabaho bilang empleyado ng senado sa sandaling mahalal.

Layon ni Villanueva, sa kanyang pagbabalik sa senado ay muling makapagbigay ng tulong, trabaho, negosyo, at kabuhayan para sa bawat mamamayang Filipino.

  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …