Friday , November 15 2024
Emmanuel Maliksi Tito Sotto Ping Lacson 2

Nagpasaring sa ilang presidentiable
MAHIRAP IPANGAKO ANG IMPOSIBLE — LACSON

HINDI napigilan ni presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson ang kanyang sarili na pasaringan ang ilan sa mga presidential aspirant na tulad niya, dahil sa pangakong lubhang imposible.

Kabilang sa pinasaringan ni Lacson na imposibleng mangyari ay ang pagbibigay ng pabahay sa bawat pamil­yang Filipino, ang pagbibigay ng gadgets sa bawat mag-aaral, ang kabiguang dumalo sa mga forum, at ang maaging pananahimik na lamang o hindi na makipagdebate pa o tuluyang patayin na lamang ang connection ng internet kung hindi naman alam ang sagot sa isang tanong o isyu.

Matatandaan na si Presidential aspirant Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ay nanga­ko na bibigyan niya ng gadgets ang bawat estudyanteng Filipino, samantala, si Senador Manny Pacquiao naman ay nangako ng pabahay para sa lahat ng pamilyang Filipino,  ang kabiguan ni Ferdinand Marcos, Jr., na makadalo sa ilang mga forum, kabilang ang kay Jessica Soho na umano’y biased, at ang pagkataranta o hindi pagsagot nang maayos ni Vice President Leni Robredo sa isang taong nagtanong sa isang forum.

Paglilinaw ni Lacson, hindi siya naninira ngunit maliwanag kung sino talaga ang may tamang direksiyon at palataporma de gobyerno sa kanilang mga tumatakbo.

Ngunit, ani Lacson, ang isang bahay o pabahay na horizontal ay pumapatak ng P580,000 samantala ang isang vetical ay P750,000 batay sa datos noong 2019 na ngangahulugang P5 bilyon kada taon ang ilalagak na pondo sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA)  at ito ay gagawin sa loob ng anim na taon sa loob ng termino ng isang Pangulo. 

Samantala,  P30 milyon naman ang mag-aaral ngayong taon at kung susumahin magkano ang isang gadget?

“Kaya kami, hindi kami nangangako ng imposible at basta basta, kundi lahat ay pinag-aaralan at based on science and data driven,” ani Lacson

Hindi rin naitago ni Lacson at ng kanyang tandem na si vice presidential candidate at Senate President Vicente “Tito” Sotto III na sabihin kung talagang track record lamang pagbabatayan ay tiyak na walang kaduda-duda sa kanilang karanasan at nagawa na ni Lacson.

Nagpapasalamat si Lacson, matapos ang forum ay marami ang bumati sa kanya at nag­paabot ng magagandang mensahe.

Dahil dito ipinunto ni Sotto ang tunay na basehan ng survey at pulso ng taong bayan ay ang kanilang magiging boto sa sa darating na halalan.

Ipinunto nina Lacson at Sotto na ang katotohanan ay nagbabago ang pulso ng taong bayan dalawang linggo o mismong sa araw ng halalan.

Sa huli, nais ng tambalang Lacson-Sotto na muling maibalik ang disiplina sa pamahalaan kung kaya’t ang buong kanilang kampanya ay tututok sa pagkakaroon ng displina kung saan ipaiiral ang safety protocols ng pamahalaan.

Nais ng tambalang Lacson-Sotto na huwag makadagdag sa problema ng pamahalaan lalo sa bilang ng mga nahawaan o mahahawan o mga CoVid-19 patient.

Para sa tambalang Lacson-Sotto hindi mahalaga ang bilang ng dadalo sa kanilang mga pagtitipon, ang importante sa kanila ang kalusugan at kaligtasan ng mga mamamayan .

Kaya sa bawat rally nila ay dapat 70 porsiyento lamang ang dadalo sa kabuuang kapasidad batay sa alert level 2 at kanilang ipatutupad ang maliit na mga pagtitipon katulad ng pakikipag-usap sa mga karinderya at tindahan na kakaunti ang tao at maaari namang i-video at ipaalam sa publiko para maiwasan ang hawaan. (NIÑO ACLAN )

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …