AMINADO si vice presidential candidate Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ginto pa rin ang endoso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sinomang tumatakbong pangulo para sa May 9 elections.
Ayon kay Sotto at kay presidential candidate, Senator Panfilo “Ping” Lacson, kanilang iginagalang ang pasya ng Pangulo.
Anila Lacson at Sotto, ito ay bahagi ng karapatan ng Pangulo na dapat igalang ng lahat.
Dahil dito naniniwala sina Lacson at Sotto nais ng Pangulo na ang magdesisyon sa kapalaran ng mga tumatakbong pangulo sa kasakukuyan ay ang taong bayan.
Hindi tuloy naitago ni Sotto, na isapubliko na nagkausap sila ng Pangulo at tiniyak talaga nito na wala siyang ieendoso sa mga pangulong tumatkabo.
Nangangahulugan na maging ang tandem ng anak niyang si Mayor Inday Sarah Duterte ay hindi niya ieendoso.
Naniniwala sina Lacson at Sotto, matalino ang mga botante kung kaya’t alam nila kung sinong lider ang kanilang iboboto.
Paalala ni Lacson huwag sanang maiboto at mapili ng mga kandidato ang mga magnanakaw na hindi natatakot at namimili pa ng kaniyang nanakawan at nanakawin. (NIÑO ACLAN)