Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Leni Robredo

VP Robredo numero unong paboritong banatan sa social media — Tsek.ph

SI BISE-PRESIDENTE Leni Robredo ang numero unong paboritong banatan o siraan sa social media.

Ito ang ibinunyag ni University of the Philippines (UP) Diliman Journalism Professor Yvonne Chua, isa sa mga nasa likod ng Tsek.ph, sa kanyang pagdalo sa pagdinig sa senado ukol sa mga isyu sa social media.

Ayon kay Chua, batay sa kanilang pag-aaral noong 2019 elections talagang si Robredo ang pangunahing paboritong banatan bukod sa ilang kandidato ng Otso Diretso at Makabayan Bloc.

“Unfortunately, the trend persists despite the efforts to curb disinformation. A lot has come out ahead of May elections,” ani  Chua sa pagdinig ng Senate Committee on Constitutional Amendments and Revision of Codes na pinamumunuan ni Senador Francis “Kiko” Pangilinan.

            Tinukoy ni Chua, sa 200 nasa social media, si Robredo ang target na banatan o siraan at halos ito ay nagaganap linggo-linggo.

“Of the 200 claims that we curated, based on our initial analysis, majority of those are directed against presidential candidate and Vice President Leni Robredo. Marami po talaga, every week, she is the biggest victim of disinformation or negative messaging, whether it’s about the typhoon, CoVid-19 response, and all sorts,” dagdag ni Chua.

Hindi naitago ni Chua, sa pagdinig, nang aminin na nitong Enero ng taong kasalukuyan ay kanilang nadiskubre, lahat ng mabubuti o magagandang papuri ay pawang patungkol kay dating Senador Ferdinand “Bong”  Marcos, Jr., na tumatakbong Pangulo.

“There is a preponderance of negative messages against Leni and positive ones for Marcos… We see a substantial and significant volume of false or misleading claims about presidential candidate Ferdinand Marcos, Jr., in which case, these are largely positive or in his favor seeking to promote him,” dagdag ni Chua kasunod ang pagtukoy sa fake endorsements ng isang New Zealand Prime Minister Jacinda Ardern.

Nakita rin ng grupo ni Chua, sa kanilang pag-aaral at pananaliksik, may kaugnayan sa kasaysayan ukol sa dating Pangulong Marcos ay nais baguhin ang nakaraan o kasaysayan.

Dahil sa pagbubunyag ni Chua, agarang inirekomenda ni Pangilinan na muling pag-aralan ang Philippine criminal laws at patatagin ito upang mapigilan ang mga tao o grupong nais magkalat ng mga maling impormasyon lalo sa pamamagitan ng social media.


Umaasa si Pangilinan na mabibigyang pansin sa

pamamagitan ng Senate Resolution 953, ang usapin sa online hate at disinformation sa Filipinas sa digital landscape.


Idinagdag ni Pangilinan, maging ang kanyang

Pamilya, lalo ang kanyang asawa na si Mega Star Sharon Cuneta ay biktima rin ng paninira na umano’y inaabuso niya ang kanyang asawa physically.

“With the findings of our independent fact-

checkers, there is really a need to review our criminal laws to address the widespread disinformation and misinformation happening in our digital space,” ani Pangilinan.

Iginiit ni Pangilinan, lubhang napakadaling mag-post nang mag-post ng kung ano-ano sa social media totoo man o hindi.

“Ngunit kailangan mayroong accountability dahil kung wala, people will think na okay lang ang magkalat ng mga walang basehang claims. That’s what we want to address as soon as possible,” dagdag ni Pangilinan. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …