Tuesday , December 24 2024
DoE, Malampaya

Malampaya deal lutong-Macao
ASUNTO VS CUSI, RESIGNASYON, HAMON NG SOLON

LUTONG MACAO ang Malampaya deal.

Ito ang tahasang nilalaman ng privilege speech ni Senador Win Gatchalian, Chairman ng Senate Committee on Energy matapos ang imbestigasyong kaniyang ginawa ukol sa deal ng pamahalaan sa kompanyang UC at Chevron Philippines.

Ayon kay Gatchalian, batay sa naging resulta ng kanilang imbestigasyon, walang sapat na kakakayan ang naturang kompanya para hawakan ang 45-percent  participating interest ng bansa.

Sinabi ni Gatchalian, dapat managot si Cusi at kanyang mga subordinates sa paglabag sa mga sumusunod: gross neglect of duty at grave misconduct sa pag-aaproba ng transaksiyon, at Anti-Graft and Corrupt Practices Act sa paglipat ng 45% stake ng UC Malampaya sa Malampaya gas field, isang hindi kalipikadong kompanya.

Sa umpisa ng pagsisiyasat ng Senado sa $565 milyon o higit sa P40 bilyong halaga ng kasunduan, sinabi ng mga opisyal ng DOE na kailangang aprobahan muna ng gobyerno ang nasabing transaksiyon alinsunod sa probisyon ng Presidential Decree No. 87 at Department Circular 2007-04-0003.

Ngunit binawi nila ito kalaunan sa pagdinig ng senado noong huling bahagi ng nakaraang taon matapos isailalim ang UC Malampaya sa financial evaluation kung saan lumabas na may negatibong $137.2 milyon o negatibong P6.9 billion working capital ang kompanya.

Nangangamba si Gatchalian na dahil sa desisyong ito ng pamahalaan ay nailalagay sa alanganin ang supply ng koryente sa bansa lalo sa Metro Manila, isa sa nakikinabang sa naturang natural gas resources ng bansa.

Bukod dito, agarang inirerekomenda ni Gatchalian sa Ombudsman at sa Department of Justice ang agarang pagsasampa ng kaso laban kay Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi.

Si Cusi ang isa sa mga lumagda sa naturang kasunduan bukod sa iba pang opisyal ng DoE.

Hinamon din ni Gatchalian si Cusi at ang iba pang opisyal ng DOE ng agarang pagbibitiw lalo na’t hindi nila nabigyang proteksiyon ang kapakanan ng taong bayan.

“The law is the law. Anyone who violates it must be punished to its full extent. I call on the proper authorities to promptly file administrative and criminal cases against Secretary Alfonso Cusi, who approve the dael, and othe DoE officials who evaluated the CHevrov_UC Malampaya deal and recommended its approval,”ani Gatchalian.

Sakaling mapatunayan silang nagkasala, maaari silang mapatalsik sa serbisyo, makulong ng hindi bababa sa anim na taon at isang buwan o hanggang 15 taon at panghabangbuhay na diskalipikasyon sa paninilbihan sa gobyerno, ani Gatchalian.

Bunsod ng mga nabanggit na kaganapan, sinabi ni Gatchalian, nararapat nang amyendahan para paigtingin ang PD 87 nang sa gayon ay matiyak na hindi na mauulit ang mga pagkakamali ng DOE at mga service contractor.

Ang Malampaya ay pinakikinabangan ng mahigit 4.5 milyong tahanan at negosyo sa Mega Manila. Sa ilalim ng Meralco franchise area, anim sa sampung kostumer nito ay sinusuplayan ng Malampaya gas.

Umaabot sa 20 porsiyento ang ambag ng Malampaya sa power generation mix ng buong bansa.   (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Chavit, umaariba sa poll ratings

HATAW News Team SA PAG-AKYAT ng kanyang grado mula 14.71% hanggang sa 26%, tila naging …

Barasoain Malolos Bulacan

Pamanang kultural ibinida ng Bulacan sa PH Experience Program ng DOT

IPINAGMAMALAKI ang mayaman at makulay na kultura ng Bulacan, ibinida ng mga Bulakenyo ang pamanang …

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

Listahan ng mga bawal na paputok at pyrotechnic device inilabas ng PNP

KASUNOD ng inspeksiyon ni PNP Chief P/Gen. Rommel Francisco Marbil sa mga tindahan ng mga …