Saturday , November 16 2024
Duterte Gordon DOJ Ombudsman

DOJ, Ombudsman kapag hindi kumasa
ASUNTO VS DUTERTE ISUSULONG NI GORDON

KASABAY ng pag-amin na impecahmentiable offense ang naging papel ni Pangulong Rodrigo Duterte sa naganap na transaksiyon sa pagitan ng Pahrmally Pharmaceutical Corp., at ng pamahalaan, kulang na sa panahon para maihain ito kaya handa si Senador Richard Gordon, Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee na magsampa ng kaso laban sa pangulo at ibang mga personalidad na tinukoy sa partial committee report ng kanyang komite, sa sandaling walang ginawang hakbang ang Department of Justice at Ombudsman matapos ang termino ng Pangulong Duterte.

Ayon kay Gordon, maliwanag na ‘guilty’ ang Pangulo sa mga kasong betrayal of public trust, inciting to sedition, excusable of duty, pag-abuso sa kanyang kapangyarihan, conspiracy, coercion, grave threat at iba pa.

Aminado rin si Gordon, sa sandaling matuloy ang impeachment laban sa Pangulo sa Mababang Kapulungan ay tiyak na malalagay sa alanganin lalo na’t ang super majority ay kanyang kaalyado.

Umaasa at nagtitiwala pa rin si Gordon kay Justice Secretary Menardo Guevarra at kay Ombudsman Samnuel Martires na kikilos batay sa partial report ng komite sa kopyang kanyang ipadadala sa dalawang ahensiya.

Tiwala si Gordon na makakukuha siya ng sapat na lagda at suporta mula sa mayoryang senador na miyembro ng komite kahit marami sa kanila ay kaalyado ng Pangulo.

Kabilang sa nagpahayag ng suporta sa inilabas na committee report ni Gordon ay sina Senador Panfilo “Ping” Lacson, bagama’t may reserbasyon, at Senador Manny “Pacman” Pacquiao.

Inamin ni Gordon na kinausap siya ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III na panahon na para maglabas siya ng partial report lalo na’t matagal na itong hinihintay ng mga tao.

Tumangging patulan ni Gordon ang mga patutsada ng mga abogado ng mga nasasangkot sa usapin.

Tiniyak ni Gordon na mananatiling nakakulong sa Pasay City Jail ang mga opisyal ng Pharmally na sina Mohit Dargani at Linconn Ong.

Ngunit tiniyak ni Gordon na masari silang makalabas ng kulungan na kung bago matapos ang konreso ay makipagtulunagn sila sa senado at handa silang aminin ang lahat ng kanilang nalalaman.

Pero sinabi ni Gordon, dapat gawin lahat ng pulisya at ng National Bureau of Investigation (NBI) ang agarang pag-aresto at pagpapakulong sa ilang personalidad na kanilang binanggit sa partial committee report lalo na si dating PDS-DBM Christopher Lao.

Binigyang-linaw ni Gordon na ang pagpapalabas niya ng partial report ay hindi dahil sa in aid of re-election kundi ginawa lamang niya ang kanyang tungkulin at nararapat.

Nanindigan si Gordon, kung siya ay matalo man sa halalan, masaya siya dahil panalo naman ang taong bayan sa imbestigayson at naisiwalat ng senado.

Biro ni Gordon, minsan na siyang muling nahalal kaya hindi na siya natatakot o nababahala pa kundi nais din niyang tugunan ang mga walang katapusang tawag sa kanyang tanggapan at sa kanyang asawa ukol sa resulta ng imbestigasyon.

Humingi ng paumanhin si Gordon sa napakatagal na pagdinig dahil sa aniya’y nais niyang bigyan ng pagkakataon ang bawat isa o bawat panig at araling mabuti hindi lamang ang mga testimonya kundi ang mga ebedensiyang kanilang nakalap bago tuluyang gumawa ng report.

Ilan sa panukalang batas na naging resulta ng imbestigasyon ng senado, sinabi ni Gordon, kanilang ipapanukala ang pagbuwag sa PS-DBM, pag-amyenda sa procurement law, paghihipit ng Bureau of Accountancy, at iba pa.

Tinukoy ni Gordon na nagpahayag sa paglagda o pagsuporta sa committee report sina Senate President Pro-Tempore Ralph Recto, Senadora Grace Poe, at  Pia Cayetano. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …