Saturday , November 16 2024
Egay Erice Enzo Oreta RC Cruz Wes Gatchalian

Erice, Oreta, Cruz, Gatchalian nanguna sa Camanava survey

NANGUNGUNA pa rin ang mga nakaupo at ilan sa mga kilala at pinag­titiwalaang mga pangalan sa politika sa pinaka­huling resulta ng survey na ginawa sa ilang mga mamamayan ng Caloocan, Malabon, Navotas, Valenzuela (CAMANAVA) area.

Sa isang online survey na may tanong na “Halalan 2022: Sino ang Mayor mo? CAMANAVA News Survey” na isinagawa noong 30 Disyembre 2021 hang­gang 19 Enero 2022, pinulsuhan ang mga botante kung sino ang nais nilang maglingkod na alkalde sa kani-kanilang mga lungsod.

Sa naturang online survey, tahasang sinabi ng mga respondents na patok at nais pa rin nilang manungkulan sa kanila ang ilang politikong may nasimulan na at may magagawa pa.

Dahilan ito upang ang maging resulta ng desi­syon ng mga taga-Caloocan sa tapatan nina Along Malapitan at Egay Erice ay manguna si Erice na nakakuha ng 2.3k heart reacts habang 1.1k like lamang ang nakuha ni Malapitan.

At sa kabuuan, naka­kuha ng 68 porsiyento ng respondents si Erice samantala si Malapitan ay nakakuha ng 32 porsiyento.

Namayagpag naman si Enzo Oreta na nakaku­ha ng 77 porsiyento at nangulelat si Jeannie Sandoval na nakakuha lamang ng 23 porsiyento boto sa nasabing survey.

Patunay itong nais ng mga Malabonian na maipagpatuloy ni Oreta ang magagandang programa sa lungsod at maipagpatuloy ang pag-asenso sa lungsod ng Malabon.

Humataw din sa 3.2k likes ang nakuha ni Oreta kompara sa 948 wow reacts ni Sandoval.

At sa katatapos na Navotas survey, nanaig sa 55 porsiyentong boto ang nakuha ni RC Cruz, kung saan lumamang siya kay John Rey Tiangco na nakakuha ng 45 porsiyen­tong boto.

Nagawa rin manalo ni Cruz dahil sa nakuha siya ng mahigit 21k likes, samantala, ang kalaban na si Tiangco ay nakakuha lamang ng mahigit 17k haha reacts.

Batay din sa naturang survey 61 porsiyento ng mga mamamayan ng Valenzuela ang lubos na sumuporta kay Wes Gatchalian bilang mayor na mas mataas sa 39 porsiyentong nakuha ng kanyang kalaban na si Bombit Bernardo.

Nasungkit ni Gatchalian ang 844 care reacts na mas mataas kompara sa nakuha ni Bernardo na 539 likes.

(Niño Aclan)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …