Saturday , November 16 2024
Senate Philippines

Total lockdown sa Senate Bldg. pinalawig pa

PINALAWIG pa ang naunang pagsasara o total lockdown ng mismong gusali ng senado na nasgimula noong 10 Enero hanggang 23 Enero.

Ito ang bagong kautusan na ipinalabas ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica matapos ipag-utos ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang extension ng no work policy sa gusali ng senado.

Mismong ang pamunuan ng Senate Medical and Dental Bureau ang nagbigay ng rekomendasyon kay Sotto na agarang tinuguan ng Senador.

Sa pahayag ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, mayroong 88 empelyado ang nagpositibo sa CoVid-19 na mas tumaas kompara sa naunang bilang.

Maliban sa mga empleyadong hindi positibo sa CoVid-19, naka-isolate anmg ibang empleyado matapos makaranas ng mga sintomas ng CoVid-19.

Ngunit tuloy ang mga nakatakdang pagdinig at sesyon ngunit lahat ay magaganap sa pamamagitan ng virtual meeting.

Bago ito, noong nakaraang taon ay binalak ng pamunuan ng senado na ibalik ang regular na pasok dahil sa pagbaba ng bilang ng kaso ng CoVid-19 ngunit dahil sa panibagong numero ay nagbago ang lahat.

Muling pinaalalahanan ni Villarica ang lahat ng mga kawani ng senado na habang nasa kanilang mga tahanan ay patuloy na mag-ingat at alagaan ang kanilang mga sarili.

Paglilinaw ni Villarica, sa sandaling muling maibalik ang pasok sa senado, kailangang nakasuot pa rin ng face mask ang bawat isa, dadaan sa temperature check, mag-alcohol, maghugas ng kamay tuwina, at panatiihin ang social distancing kahit mayroong mga booster vaccine o complete vaccine na.

Ipinaalala ni Villarica sa lahat, walang sinuman ang maaaring mag-alaga sa kanilang mga sarili kundi sila rin.  (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …