Saturday , November 16 2024
Covid-19 Swab test

Presyo ng swab tests pahirap sa mahirap

“ANG presyo ng CoVid-19 swab test ay hindi nakaukit sa bato, at ang mga panuntunan para sa pagtatalaga ng halaga nito ay maaaring baguhin o babaan ng pamahalaan kung ito ang kailangan ng sitwasyon,” ayon kay Senator Joel Villanueva.

“Hindi po forever ang itinakdang presyo para sa RT-PCR test,” aniya, kasabay ng apelang ibaba ang presyo ng RT-PCR sa makatarungang halaga.

Pagdating umano sa presyo ng test na makatutulong sa pagpigil ng pagdami ng kaso ng CoVid-19, mas mainam na ang burukrasya ay gumalaw ng simbilis ng virus.

Aniya, ang presyo ng RT-PCR test ay aabot na sa walong araw na sahod ng isang minimum wage earner sa Metro Manila. Ang isang plate-based RT-PCR test na home service ay may cap sa P4,360, kasama ang P1,000 home service fee.

“Kung isang buong pamilya po ang tatamaan, butas talaga ang bulsa,” ani Villanueva.

Ang pinakamura ay nasa P1,000 sa mga pampublikong ospital at pasilidad, pero mahal pa rin para sa isang pamilya na kumikita lamang ng sapat para sa mga pangunahing pangangailangan.

“‘Yung P1,000 po, pambili na ng kalahating sako ng pinakamurang bigas. Mas prayoridad po ang pagkaing maisusubo sa bibig kaysa ang magpatusok sa ilong,” sabi ni Villanueva.

Ang mataas na presyo ng swab test ang dahilan kung bakit may ‘undertesting’ na nagreresulta sa ‘undercounting’ at nagbibigay ng maling larawan ng pandemya.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order 118 noong Nobyembre 2020 na nag-uutos sa Department of Health (DOH) at Department of Trade and Industry (DTI) na magtalaga ng price range para sa RT-PCR testing.

Ang mga presyo ay nakalathala sa DOH Circular No. 374, na inilabas noong 7 Setyembre 2021.

Ang price cap para sa RT-PCR test ay nasa P2,800 para sa plate-based at P2,450 para sa GeneXpert para sa mga pampublikong laboratoryo, at P3,360 naman para sa plate-based at P2,940 para GeneXpert sa mga pribadong laboratoryo. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …