Sunday , January 11 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Comelec

Desisyon ng Comelec, irespeto — Lacson

NANAWAGAN si presidential aspirant senator Panfilo “Ping” Lacson sa lahat na irespeto ang nagging desisyon ng Commission on Elections (Comelec) sa pagbasura sa isa sa petisyong humihiling na ipawalang-bisa o ibasura at kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni presidential aspirant at dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.

Sa ibinasurang petsiyon, binigyang-diin ang paghatol kay Marcos ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) ng “guilty” sa kabiguang magdeklara at magbayad ng kanyang Income Tax Return (ITR).

Ayon kay Lacson, kung mayroong tamang lugar na magdesisyon walang iba kundi ang mismong Komisyon.

Binigyang-linaw ni Lacson, sa Komisyon inihain ang petisyon lalo na’t may kinalaman sa kandidatura ni Marcos kung kaya’t sila rin ang maglalabas ng desisyon at wala nang iba pa.

“There are venues provided by electoral system to ensure fairness for all concerned and we should respect them as well,” ani Lacson.

Sa kabila nito, rerespetohin rin umano ni Lacson ang desisyon at hakbanging gagawin ng mga naghain ng petisyon.

Bukod sa naunang petisyong ibinasura, mayroon pang dalawang petisyon ang nakabinbin sa Komisyon at inaasahang reresolbahin ito sa lalong madaling panahon. (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Melanie Marquez

Adam Lawyer sinagot mga akusasyon si Melanie Marquez

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SUMAGOT na thru his legal counsel si Adam Lawyer, asawa ni Melanie Marquez na …

Donny Pangilinan Kyle Echarri Roja

Donny at Kyle maangas sa pagsasanib-puwersa

PASABOG agad ang pagpasok ng bagong taon para sa Roja matapos ilabas ang mid-season trailertampok ang umiigting na …

Goitia BBM Liza Marcos

Goitia: Ang mga Paratang na Ito ay mga Sadyang Kasinungalingan

Diretsuhin na natin. Ang kumakalat ngayon online ay mga huwad at mapanirang paratang laban kina …

Manila

Para sa Traslacion 2026
Trabaho, klase sa Maynila suspendido Liquor at firecracker ban ipinatupad

HATAW News Team INIANUNSIYO ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso nitong Lunes, 5 …

Clark Pampanga

Sa Port of Clark, Pampanga
HIGIT P7-M ECSTASY NASABAT

NAKOMPISKA ng mga awtoridad ang higit sa p7-milyong halaga ng pinaniniwalaang ecstasy na nakapaloob sa …