Saturday , November 16 2024
DOH Kalinga Kit

CoVid-19 home care kit suportado ni Bong Go

SUPORTADO ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go, Chairman ng Senate Committee on Health ang hakbangin ng Department of Health (DOH) na pagkakaloob ng “Basic Kalinga Kit” para sa mga pasyente ng CoVid-19.

Batay sa pahayag ni Health Secretary Francisco Duque III, inaayos nila ang 35,000 CoVid-19 care kits na maglalaman ng 20 piraso ng masks, isang bote ng sanitizer, sabon, at mga gamot.

Sa naturang programa ng DOH, katuwang nila ang World Health Organization (WHO) at Procter & Gamble Company.

Pinasalamatan ni Go ang inisyatiba ng DOH at pribadong sector dahil malaking bagay ito lalo sa mga tinamaan ng virus kahit may bakuna na.

“Isa lang po ito sa mga hakbang upang mapalakas ang ating CoVid-19 response at hindi bumagsak ang healthcare system. Sa paraan na ito ay marami pa tayong kababayan na matutulungan lalo ‘yung mahihirap,” dagdag ni Go.

Kaugnay nito, nananawagan si Go sa kanyang mga kapwa mamababatas na agarang ipasa ang dalawang panukalang batas na tutugon sa pagsugpo ng infectious diseases.

Ito umano ang Senate Bill No. 2158 na lilikha ng Philippine Center for Disease Control and Prevention (CDC).

“In other countries, centers for disease control have been instrumental in this pandemic. As experts in the field of infectious diseases, they are at the forefront of the health battle against CoVid-19. It is high time for us to have our own CDC. President (Rodrigo) Duterte acknowledges this and has previously urged Congress to pass this important measure,” ani Go. (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …