Thursday , February 27 2025
Gold Bars

Mga residente ng QC, Caloocan at Pangasinan
NABUDOL SA ‘TALLANO GOLD’

MATINDING galit ang naramdaman ng mga residente ng ilang barangay sa mga lungsod Quezon City at Caloocan, gayondin sa Pangasinan dahil sa napakong pangako ng kampo ni Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., na bibigyan sila ng parte sa ‘Tallano gold.’

Napag-alamang may lumapit sa kanilang nagpakilalang mga tao ni Marcos at pinangakuan sila na bibigyan ng ‘Tallano gold’ kapalit ng pagsuporta sa kandidatura ng anak ng yumaong diktador.

Ayon sa kuwentong ipinakalat ng mga tagasuporta ni Bongbong sa social media, binayaran umano ng Tallano family ang yumaong diktador na si Ferdinand Marcos, Sr., ng 192 toneladang ginto para sa serbisyo nito bilang kanilang abogado. Ito raw umano ang pinagmulan ng yaman ng mga Marcos.

“Mayroon silang dala-dalang form kung saan inilagay namin ang aming pangalan at iba pang detalye. Iyon daw ang magiging batayan nila sa pagbibigay ng ginto sa amin,” sabi ng isang residente na ayaw magpabanggit ng pangalan.

Noong una ay napaniwala sila na mayroong ‘Tallano gold’ dahil sa ipinakitang dokumento at mga istorya sa social media na nagsasabing hawak ng pamilya Marcos ang nasabing yaman.

Ngunit nang tumagal, napansin nilang pinapaikot-ikot na lang sila ng mga nagpakilalang tao ni Marcos hanggang malaman nila na walang katotohanan ang ‘Tallano gold.’

“Ang tagal naming nag-antay at umasa na mabibigyan kami ng ‘Tallano gold’ pero umasa lang kami sa wala,” wika ng isang taga-Caloocan.

“Talo pa namin ang nabudol. Panay pa naman ang sama namin sa iba’t ibang event ni Bongbong dahil bibigyan daw kami ng ‘Tallano gold’ pero eto nganga kami,” dagdag ng isa pang residente.

Napag-alaman na hindi lang sa Quezon City, Caloocan, at Pangasinan nag-iikot ang mga tauhan ni Marcos at nangangako ng ‘Tallano gold’ kapalit ng pagsuporta sa anak ng diktator, kundi sa iba’t ibang parte ng bansa. (NIÑO M. ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Francis Tolentino Chiz Escudero Sara Duterte Koko Pimentel

Bigo kay Senate President Chiz
IMPEACHMENT TRIAL IPINASUSULONG NI PIMENTEL KAY TOLENTINO

ni Niño Aclan MATAPOS mabigo si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III na kombinsihin …

ARTE partylist suportado pintor ng Mindanao

ARTE partylist suportado pintor ng Mindanao

SUPORTADO ng ARTE partylist ang mga talentadong pintor na lumahok sa tinurang “Unity Through Arts: …

Luis Manzano Jessy  Mendiola Ara Tan

Jessy sa pagtakbo ng asawang si Luis — sana mapagbigyan siya, he’s willing to give his heart to everyone

RATED Rni Rommel Gonzales TATAKBO si Luis Manzano bilang bise-gobernador ng lalawigan ng Batangas at unang beses …

Arrest Shabu

HVI timbog sa Caloocan
P2.1-M shabu nasabat sa buybust

NASAMSAM ng mga awtoridad ang hihit sa P2-milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa isang …

Cardinal Tagle Pope Francis

Espesyal na panalangin para kay Pope Francis ipinanawagan ni Cardinal Tagle

NANAWAGAN si Cardinal Luis Antonio Tagle nitong Linggo, 23 Pebrero, sa lahat ng mananampalataya na …