Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Sean de Guzman AJ Raval

Sean de Guzman ratsada sa paggawa ng pelikula

REALITY BITES
ni Dominic Rea

HINDI naging madali kay Sean De Guzman ang kasikatang tinatamasa niya ngayon. Ilang taon muna siyang naging miyembro ng grupong Clique V ni Len Carrillo. Pakanta-kanta at pasayaw-sayaw sa mga event na kung saan sila naiimbitahan. 

Minsan naman ay rumaraket sila out of town. May mga kasong libre lang din ang kanilang ginagawang appearance. Pero hindi napagod ang isang Sean De Guzman. Hanggang sa mabigyan ng magandang break bilang lead actor sa pelikulang Anak Ng Macho Dancer ni Joel Lamangan

Mula noon ay nagtuloy-tuloy na ang magagandang projects ni Sean at pumirma na rin sila ni Len ng kontrata sa bakuran ng Viva Artist Agency. 

Hindi puwedeng hindi mabigyan ng project si Sean dahil marunong itong umarte at palaban kung hubaran ang pag-uusapan. Kaya naman dahil sa ratsadang paggawa ng pelikula kahit sa panahon ng pandemya ay binansagan si Sean bilang ” Pandemic Actor ” at naging pandemic actress naman ang kasamahan niyang bidang seksing aktres na si AJ Raval sa pelikulang Hugas ni Roman Perez

Mapapanood ang Hugas sa VivamaxPH.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Dominic Rea

Check Also

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia

Kompositor ng Kayong Dalawa Lang bata pa

MA at PAni Rommel Placente KOMPOSISYON ng CEO at presidente ng Purple Hearts na si Love Kryzl, ang Kayong …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Kayong Dalawa Lang regalo ni Love Kryzl kina Kiray at Stephan

OPISYAL nang inilabas ang Kayong Dalawa Lang, original love song ng batang CEO ng Purple Hearts na si Love …

Archangels Family Gala Night

Top hosts & contributors kinilala sa Archangels Family Gala Night  

MATABILni John Fontanilla MATAGUMPAY ang ginanap na Archangels Family Gala Night 2025 noong November 27, 2025 sa …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …