Friday , November 15 2024
Motorcycles

SB 1341 nakatengga
LIBONG MC DRIVERS WALANG TRABAHO

NAKATENGGA pa rin ang Senate Bill No. 1341 o ang The Motorcycles-for-Hire Act na makapagbibigay ng karagdagang trabaho sa libo-libong motorcycle drivers na nakatunganga at naghihintay.

Ito ay matapos ipatigil ng Technical Working Group ( TWG) ang isinasagawang pilot testing kahit hindi lahat ng ride hailing companies ay nakasama, tanging Joy ride, Angkas at MoveIt lamang ang nabigyan ng pagkakataong bumiyahe, naetsapuwera ang Citimuber, Grab at iba pa.

Umaangal ang mga driver na nagnanais makapagtrabaho.

Batay sa datos ng Land Transportation Office (LTO), mahigit sa 18.8 milyong motorcycles ang nakarehistro at isa sa tatlong nagmamay-ari nito ay ginagamit na panghanapbuhay.

Nauna rito, hiniling ni Senador Christopher “Bong” Go sa kapwa niya senador na gawing prayoridad ang interes ng publiko kaugnay sa Transport Network Vehicle Services (TNVS) nang irekomenda ng Technical Working Group (TWG) na itigil ang pilot program ng motorcycle taxis.

“The service helps ease the worsening traffic situation in Metro Manila and other key cities in the country by providing an alternate option to existing public transportation. It provides cheaper and faster services compared to many offered by other 4-wheeled vehicles in the sector. It also helps thousands of previously unregulated habal-habal drivers in our country by enabling them to become part of the formal economy,” anang senador.

Ani Go, kung siya ang masusunod, lahat ng industry players ay bibigyan ng prankisa para mabigyan ng hanapbuhay ang lahat basta’t siguradong ligtas ang seguridad ng bawat pasahero.

Maging si Senate President Pro Tempore Ralph Recto, ay nagsabi na hayaan ang mga motorcycle taxi na bumiyahe dahil hindi lamang malaking tulong sa mga commuter kundi magbibigay ng trabaho na walang pondong kailangan ilabas ang gobyerno.

“This is one job-creating public service that will not cost the government a single centavo,” giit ni Recto.

Binigyang diin ni Recto, makatutulong pa ang motorcycle taxi sa pamahalaan bukod sa pagbibigay ng trabaho sa drivers, CoVid-free at mababawasan ang pagsisikip ng trapiko.

Sa panig ni Senadora Risa Hontiveros, dapat ay may alternatibo gaya ng paghahatid-sundo sa mga kaanak upang maiwasan ang transmission o pagkahawa, kailangan i-legitimize ang motorcycle taxis at dagdagan ang budget para sa service contracting para mawala ang pila at siksikan sa sasakyan.

Kinuwestiyon din ni Senadora Imee Marcos ang mistulang ‘dagdag-bawas’ sa hanay ng mga driver ng ride hailing companies sa pilot testing ng motorcyle taxis.

“May dagdag-bawas na nangyayari. Para mukhang patas, binawasan ang mga experienced drivers ng isang kompanya at baka sakaling mapilitan silang sumali sa mga baguhan na kulang pa ng mga driver. Bakit kaya?” tanong ni Marcos.

Binigyang diin ng senadora, hindi dumaan sa tamang konsultasyon o debate ang isyu ng bilang ng mga palalahukin sa motorycle taxis sa mga isinagawang meeting ng Department of Transportation (DOTr) kahit ang pinal na layunin ng pilot testing ay makapaglatag ng batas hinggil dito.

               “Hindi na kailangan magpalusot ang DOTr na ang patas na bilang ay para sa fair competition at freedom of choice, dahil Kongreso ang gagawa ng batas para siguruhin ito. Ang dapat siguruhin ng DOTR ay mabawasan ang perhuwisyo sa traffic, kaya mas mabuting isali ang lahat ng mga driver na may karanasan na sa trabaho,” dagdag ni Marcos (NIÑO ACLAN)

About Niño Aclan

Check Also

Erwin Tulfo

Tulfo una sa bagong survey

NANGUNA si ACT-CIS party-list Rep. Erwin Tulfo sa pinakabagong senatorial preference survey na isinagawa ng …

Senate PCO

Seminar vs fake news hikayat ni Pimentel sa PCO para sa Senado

INIMBITAHAN ni Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III ang Presidential Communications Office (PCO) na …

Las Piñas Seal of Good Local Governance

Las Piñas City pinarangalan ng Seal of Good Local Governance 2024 ng DILG

SA KAUNA-UNAHANG PAGKAKATAON, pinarangalan ang Las Piñas City ng prestihiyosong Seal of Good Local Governance …

Siling Labuyo

Apela ni Kiko  
BANTAY SILING LABUYO, PRICE FREEZE SAKLAWIN

MAHIGPIT na implementasyon ng price freeze ang kailangan upang mapigil ang pagtaas ng presyo ng …

Black

Iwasan, mga kaalyado ni Duterte sa eleksiyon

ISANG grupo ng mapagmalasakit na Filipino ang umaapela sa mga botante na pumili ng kandidatong …