NAGBABALA si Senadora Leila de Lima sa posibleng no election scenario ngayong darating na 9 Mayo 2022 national elections.
Ang babala ni De Lima, dating election lawyer ay kanyang inihayag matapos hilingin sa Commission on Elections (Comelec) ng PDP-Laban Cusi wing na palawigin ang araw ng paghahain ng certificate of candidacy (COC).
“The petition of the PDP Laban-Cusi wing to open anew the period for filing COCs reeks of privilege,” ani De Lima.
Naniniwala si De Lima, walang sinumang partido, kahit pa ang partido ng pangulo ang dapat bigyan ng anumang uri ng dagdag na pribilehiyo ukol sa paghahain ng kandidatura batay sa itinatkda ng komisyon.
“The so-called dominant majority party, but without standard bearer candidates for president and vice president, is basically asking for the exclusive privilege to be exempted from the deadline for filing COCs, after all candidates serious enough to run for election in 2022 have dutifully filed their COCs within the deadline set by the COMELEC,” dagdag ni De Lima.
Magugunitang naghain si Energy Secretary at PDP-Laban Cusi wing, ng petisyon sa Comelec na muling buksan ang paghahain ng COC kasunod ang pagtukoy na hindi pa maaaring magpa-imprenta ng balota hanggang mayroong mga nakabinbing mga petisyon laban sa mga kandidato at partylists.
Kaugnay nito maging si Presidential aspirant Senator Panfilo “Ping” Lacson ay nangangmba din sa posibilidad na term extension ni Pangulong Ridrigo Duterte.
Sa ilalim ng batas, ang termino ng Pangulo at sinnumang nakaupong Senate President at House Speaker ay dapat hanggang Hunyo 30 ng kasalukuyang taon.
Tinukoy ni Lacson, kung ito ay mangyayari malinaw na labag ito sa itinatadahana ng ating Saligang Batas.
Dahil dito nais hilingin ini Lacson sa kanyang mga kasamahanag senador na huwag sanang pahintulutan mangyari ito at labagin ang itinatadhana ng Art. VII Sec. 7 ng 1987 Constitution.
Ngunit agad inilinaw ini Lacson na hindi naman niya inaakusahan ang kasalukuyang administrasyon ng anumang balakin nitong walang maganap na halalan.
Dahil dito nanindigan si Lacson na kanyang titiyaking mananatili ang demokrasya sa ating bansa. (NIÑO ACLAN)