Sunday , April 27 2025
Roman Perez Jr Christine Bermas Vince Rillon Ayanna Misola Rob Guinto

Direk Roman sa mga tumutuligsa sa Siklo — Panoorin muna & kapag basura o pangit doon n’yo kami i-bash

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 “MAS Filipino ang ‘Siklo,’ mas napapanahon, Kapag napanood n’yo ang ‘Siklo,’ maaalala ninyo o maire-relate ninyo o maikokonek na nangyayari ito sa Pilipinas. May nangyaring ganito sa Pilipinas hindi lang naibalita. Pero makare-relate agad iyong Vivamax audience rito. 

“Bukod doon sa kanyang naratibo napaka-importante niyong istorya. Isa ito sa pinakamagandang screenplay na nai-produce o ginawa kong pelikula. Ito ‘yung maipagmamalaki kong kuwento. Actually pwede nga itong ilaban festivals abroad—local or international. Kasi ‘yung content na dala niya napaka-universal and yet napaka-Pinoy, Pinoy ‘yung kultura,” paliwanag ni Direk Roman Perez Jr., ukol sa kanyang pelikulang Siklo na handog ng Viva Films at mapapanood na sa January 7 sa Vivamax.

Sinabi pa ni Direk Roman na makare-relate ang Pinoy sa kanyang movie. “Recent lang kasi siya nangyari. Pero noong una kaming nag-shoot, November last year, tapos na naming i-shoot ito nang lumabas iyong balita. Pero honestly may isang issue pala na ganoon sa isang religious group sa Pilipinas. Hindi lang naman iyon particular na ginawan natin ng kuwento, sari-sari rin, pinaghalo-halo, iba’t ibang religious group na kinasasangkutan dito sa ‘Siklo.’ Hindi lang isa, mixed, iba’t ibang groups na mula noon hanggang ngayon,” paliwanag pa ng direktor sa tanong kung may pinagbasehan ba siya sa istorya ng kanyang pelikula.

Ukol naman sa mga bad feedback sa pelikula niya. Inamin ng direktor na kung minsan ay pumapatol talaga siya.

Aniya, “Kasi minsan ang iba sa atin nakita lang ang trailer, hinuhusgahan agad ang pelikula, gaya ng panghuhusga rin ng ibang tao kapag nakakapanood ng Vivamax film. Again, sabi ko nga panoorin muna natin and then kapag basura o pangit doon n’yo kami i-bash. Doon n’yo kami awayin o pintasan. Pero sa akin kasi napaka-cliche pero huwag muna tayong manghusga. Panoorin muna natin ang pelikula kung saan ba pupunta ang pelikulang ito. Kasi ang branding natin sa mga poster, siyempre sexy pero ang kalakip nitong mga branding nito ay iyong istorya na very Filipino, very masa, na very nakakakonekta ito sa kaluluwa natin bilang mga Filipino.”

Sinabi pa ng direktor na personal sa kanya ang pelikulang ito dahil, “‘Yung idolatry ang lakas ng pwersang iyon, and then tungkol pa ito sa mga Grab driver na naging frontliner natin nitong pandemya.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Faith da Silva Gil Aga Anore

50th Grand Santacruzan sa Barangay Libid, Binangonan, kasado na sa Mayo 4!

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MAGIGING makulay at masaya ang ihahandog ng Barangay Libid para …

Liriko An Intimate Night of Music nina Troy Laureta at Dessa 

Liriko: An Intimate Night of Music show para Sa Golden Gays at Gabay ng Landas

ISANG Filipino producer na nasa LA sa Amerika, si Jensen Carlo Quijano, ang nag-produce ng show …

Innervoices

Innervoices muntik magkawatak-watak

MATABILni John Fontanilla IBINAHAGI ng tumatayong leader ng grupong Innervoices na si Atty Rey Bergado ang naging desisyon nila  …

Junell Hernando Nora Aunor Christopher De Leon

Dating child actor masuwerte na nakatrabaho si Ate Guy

MATABILni John Fontanilla MAITUTURING ng dating child actor at isa sa bumida sa mga pelikulang  Magic …

Nora Aunor Judy Ann Santos

Juday kay Nora natutunan kababaan ng loob

RATED Rni Rommel Gonzales KAY Nora Aunor daw natutunan ni Judy Ann Santos ang pagpapakatotoo sa sarili, pati na …