Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Christine Bermas Vince Rillon

Christine at Vince next big star ng Viva

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

PURING-PURI ni Direk Roman Perez Jr ang kanyang mga artistang bida sa pelikulang Siklosina Christine Bermas at Vince Rillon. Bagamat ito ang unang lead role ng dalawa para sa Vivamax pinatunayan nilang may ibubuga sila pagdating sa pag-arte para sa mga intense at maaksiyong eksena.

Ani Direk Roman kay Christine, “Napakahusay niya parang pagdating sa akin parang hindi naman siya bago kasi nag-Joel Lamangan na siya bago pa itong ‘Siklo.’ Siyempre namasahe na ni Lamangan iyan. Nahilot na at nahubog na ni Lamangan ang acting niya. So pagdating sa akin beterano na. Beterano na sa akin pagdating. Bago dahil bago ang pelikula pero hindi bago sa industriya. Parang isinalpak sila rito para magsama-sama para mabuo itong ‘Siklo.’ 

At dahil sa husay nina Christine at Vince sinasabing sila na ang susunod na AJ Raval at Sean de Guzman ng Vivamax.

Ani Direk Roman, “May kaya silang gawin na hindi kayang gawin nina AJ at Sean. May mga ginawa sila rito na hindi kayang gawin nina AJ at Sean na sina Vince at Christine lang ang kayang gumawa. Kaya kailangan ninyong mapanood. 

Sinabi pa ni Direk Roman na, “hindi ako nahirapan sa kanila. Nagulat pa nga ako. Surprisingly may mga kaya silang gawin na hindi ko ine-expect na gawin. Iba yung chemistry nilang dalawa. Nagtitinginan lang ‘yung dalawa alam na nila kasi nagsama na sila sa ‘Sisid’ naging mag-partner na rin sila. Nagkataon lang na ako ‘yung naunang ipalabas sa Vivamax. May chemistry din sila na hindi matatawaran. Hindi natin mae-explain dahil mismong ako nagugulat sa husay ng dalawa kung paano sila mag-konek lalo na sa mga bedscenes, sa mga lovescene.”

Ibinuking pa ni Direk Roman na, “Mainit pa sa mainit ‘yung mga lovescene nila. Nagugulat talaga ako sa kanila. Alam nilang dalawa iyon. Ako ang nahihiya, ‘tama na, tama na itigil na natin ito.’ Kaya nilang gawin. ‘Iyon ang sinasabi ko na hindi sila nagpa-plaster, matapang ang dalawang iyan at ganoon sila katiwala sa isa’t isa. Ganoon sila kakonekta sa isa’t isa.”

Sa paghanga ni Direk kina Vince at Christine natanong siya kung naniniwalang magiging big star ang mga ito.

“Ay oo may potential silang maging big star. Siyempre! May nakahanda nang malaking pelikula kay Vince. Si Christine may apat na pelikulang papasok pa lang ngayong 2022. So bukod sa ako ang nagbinyag sa kanila, parang inaadya na ito para sa kanila na sila na ang next na aabangan natin, sila ang promising stars ng Viva at Vivamax.”

Siguradong mas makikita pa ang husay nila kapag napanood na ninyo ang Siklo sa Vivamax sa January 7, 2022.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …