Tuesday , November 19 2024
Charo Santos Daniel Padilla Kun Maupay Man It Panahon

Kun Maupay Man It Panahon napapanahong pelikula, pinapurihan sa ibang bansa

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

NAINTRIGA naman ako sa tinuran ni Tito Mario Bautista, isa sa iginagalang na kolumnista, na may isang eksena si Ms Charo Santos sa pelikula nila ni Daniel Padilla, ang Kun Maupay Man it Panahon na tiyak ikasa-shock ng mga manonood.

Ayon kay Tito Mario, first time nagawa ng tulad ng isang high caliber aktres ang eksenang iyon. Sinabi pa nitong natalo ni Ms Charo si Sharon Cuneta sa Revirginized.

Ano nga kaya ‘yun. Kung gusto ninyong malaman, watch na lang ninyo ang movie sa December 25 na bukod kina Ms Charo at Daniel, kasama rin ang baguhang si Rans Rifol.

Anyway, napapanahon ang pelikulang Kun Maupay Man It Panahon na tinalakay at ipinakita ang grabeng nangyari sa Tacloban sanhi ng bagyong Yolanda. Tulad din ito ng katatapos lang manalasang bagyo, ang Odette sa Visayas at Mindanao.

Ibinase ni Direk Carlo Francisco Manatad sa sariling  experience ang pelikula. Nang hanapin niya ng kung ilang araw ang kanyang pamilya sa Tacloban dahil hindi rin niya makita ang mga iyon pagkatapos ng bagyong Yolanda.

Pagbabalik-tanaw ni direk Carlo, ”I tried to contact them but all reception and communication lines were damaged, and seeing the news then, one would think no one would survive the storm. Luckily, I was able to hitch in a plane carrying relief goods. I was the only passenger. When I arrived, my hometown was beyond recognition. All roads, structures, and any form of land marks were gone. Mountains of dead bodies were scattered everywhere.” 

At pagkatapos ng inakala niyang katapusan na ng lahat,  natagpuan din ni  Carlo ang kanyang mga mahal sa buhay, ang buo niyang pamilya (16 lahat) kasama ang alagang aso na buhay na buhay.

At nang magbalik ng Manila ang direktor para ipagpatuloy ang trabaho, hindi niya malimutan ang nangyaring iyon sa Tacloban. At doon na n’ya napagpasyahan na gawin iyong pelikula.

At sa tulong ng 11 kompanya mula sa iba’t ibang bansa, nabuo ang Kun Maupay Man It Panahon kaya naman itinuturing itong international movie dahil produced ito ng Cinematografica (Philippines),  planc (Philippines), House on Fire (France)| iWantTFC (Philippines), Globe Studios (Philippines), Black Sheep (Philippines), Quantum Films (Philippines), AAND Company (Singapore), KawanKawan Media (Indonesia), Weydemann Bros. (Germany), at CMB Films (Philippines). 

Bago mapanood bilang isa sa walong entries sa Metro Manila Film Festival sa December 25, nagkaroon na ito ng world premiere sa 2021 Locarno Film Festival sa Switzerland at nakakuha ng Youth Jury Prize at pinag-usapan sa Toronto International Film Festival.

Pinuri naman ni Canadian film critic Henry Tan ng Universal Cinema ang pelikula dahil sa paggamit nito ng dialect na Waray sa pelikula  at ang pagpapakita ng pag-aksiyon ng Pilipinas sa nangyaring sakuna sanhi ng Yolanda.

Aniya, ”Carlo Francisco Manatad has done a great job in bringing awareness of this historical typhoon event in the Philippines. Whether the Weather is Fine… reminds the audience about the humanity in coming together to help the survivors move forward from a devastation.” 

Nadala na rin ang Kun Maupay Man It Panahon sa 25 international film fests sa loob lamang ng limang buwan. At dito’y nanalo ito ng Special Mention by the Jury sa Guanajuato International Film Festival sa Mexico at Best Director sa London East Asia Film Festival sa UK. 

Kaya naman ganoon na lamang ang pasasalamat ni Direk Carlo,   ”Our team is thankful for the chance to bring our movie home as it tackles something we must live with. I feel it is important to discuss the reality of natural calamities in this generation we are in. A lot has been said about Filipino resilience especially in the wake of disasters— both natural and otherwise—to the point that it has become cliché. 

“Major typhoons have been happening more often so Odette’s occurrence comes as no surprise… I think I speak on behalf of my co-filmmakers when I say that climate change and disaster preparedness are the more urgent issues. These should be addressed by everyone and not be ‘masked’ or neglected by the sentimentality of resilience.”

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …