Tuesday , November 19 2024
Manilyn Reynes

Manilyn matagal ng gustong maging kontrabida

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

FIRST time magkokontrabida ni Manilyn Reynes at ito ay sa pelikulang Mang Jose ng Viva Films na pinagbibidahan ni Janno Gibbs.

Pag-amin ni Manilyn, matagal na niyang gustong gumanap na kontrabida.

“Matagal ko nang gustong gawin ang ganyang role kaya lang hindi pa nabibigyan ng pagkakataon and, this time, rito nga sa ‘Mang Jose’ nabigyan ako ng pagkakataon na maging kontrabida at ako rito si King Ina.”

Sa pangalan ng karakter pa lang ni Manilyan sa pelikula, aliw na ang dating kaya naman, bentang-benta siya sa publiko dahil sa tunog mura ng pangalan niya.

Anang aktres, ”Naaliw ako sa character, naaliw ako sa role ko sa totoo lang, kasi ang sarap niyang paglaruan.”

Aliw din si Manilyn sa pagsasama nila ni Bong Loyzaga sa pelikula.

“Si Bing at ako, nagkaroon po kami ng chance na magkaroon ng bonding sa loob ng tent. Nagkuwentuhan lang kami. We had a good talk, nakatutuwa ‘yung mga kuwentuhan,” sambit pa ni pa ni Manilyn sa isinagawang virtual media conference kamakailan.  

At dahil kakaiba ang pangalan ni Manilyan sa Mang Jose  natanong ang direktor nitong si Rayn Brizuela kung bakit “King Ina” ang itinawag nila sa character ng singer/aktres.

“Habang kino-conceptualize namin ng writer na si Carl Papa ‘yung ‘Mang Jose,’ gusto ko talagang i-mix ‘yung slapstick humor before, ‘yung nag-work sa ‘90s comedy and ‘yung modern comedy.

“Isa siguro sa tumatak talaga na classic Pinoy comedy, lalo sa slapstick, is ‘yung pag-play with words.

“I think, nandiyan si Joey de Leon, ‘yung Roborats, ‘yung mga ‘yun. And growing up with these kind of humor, ‘yun ang parang in-apply ko rito sa ‘Mang Jose,’” paliwanag ni direk Rayn.

“So, I think, ‘yung King Ina, ‘yun ang inire-represent na parang a mother can be a king. Bonus na lang na parang tunog-mura siya, pero I assure you, safe na safe po naman lahat para sa mga bagets. So far, wala naman pong hindi angkop para sa mga bata,” giit pa ng direktor.

Kaya sa December 24 humanda na sa  pagpapakitang-gilas ni Mang Jose sa Vivamax, ang superhero na nilikha at ipinakilala ng bandang Parokya ni Edgar bilang isang awitin noong 2005 na ngayon ay isa ng pelikula na maihahanay sa mga extraordinary films na hatid ng Viva Films.

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

MTRCB Tara, Nood Tayo Lala Sotto

MTRCB, PCO, PIA, at OES nagkasundo sa pagsusulong ng Responsableng Panonood

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ILULUNSAD ng ilunsad ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) …

Edu Manzano Shaina Magdayao Kim Atienza

Batas vs piracy paigtingin, Pinoy nahaharap sa matinding panganib (Edu, Kuya Kim, Shaina nagpahayag ng suporta)

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio MAS mataas ang mga cyberthreat na haharapin ng mga Filipino …

Miss Universe crown

Crown sa Miss Universe gawa ng Pinoy

I-FLEXni Jun Nardo KAHIT hindi manalo bilang Miss Universe ang pambato ng bansa na si Chelsea Manalo, panalo …

Roderick Paulate Mga Batang Riles

Roderick balik-GMA, ABS-CBN masikip na sa 2 Rhoda

I-FLEXni Jun Nardo NATUWA naman kami nang makita si Roderick Paulate sa trailer ng coming GMA series na Mga Batang …

Tom Rodriguez

Tom walang issue ang pagkakaroon ng anak

HATAWANni Ed de Leon INAMIN na ni Tom Rodriguez na may anak na siyang lalaki na apat …