HINDI man pinalad si Beatrice Luigi Gomez na maiuwi ang korona sa katatapos na Miss Universe 2021, waging-wagi naman ang naging pambato ng Pilipinas sa Little Miss Universe 2021 na si Marianne Beatriz Bermundo dahil siya ang nakapag-uwi ng korona mula Tbilisi Georgia, Europe.
Very proud nga si Marianne sa achievement niyang ito na aminadong hindi agad nag-sink-in ang pagkapanalo. Kaya naman nang tawagin ang kanyang pangalan, inamin niyang natulala siya ng ilang segundo.
“When my title was announced I couldn’t move from my seat. When I finally got to the front, after a minute or two that’s when I realized na I have achieved this part of my dream and I’m kind of crying. I was actually looking at the cameras and after a while that’s when I realized na I’m the winner,” kuwento ni Marianne sa isinagawang welcome party sa kanya na pinangunahan ni Ayen Cas ng Aspire Magazine at ALTA Talent Management.
Si Marianne, 14, ang kauna-unahang teen na nagrepresent sa ating bansa sa naturang beauty pageant.
“I would like to dedicate my crown to all of those who believed in me and supported me since day 1,” anito na ganoon na lamang ang pasasalamat sa mga sumuporta sa kanya lalo na ang kanyang mga magulang na sina Mr & Mrs Mark Donald and Virginia Bermundo.
“I’m very thankful to my parents for making my dreams come true. Without them I wouldn’t be here. If they weren’t supported me I wouldn’t be Little Miss Universe,” pahayag pa ng pangatlo sa apat na magkakapatid.
Thankful din si Marianne kina Ayen at Rodin Flores ng Kagandahang Flores na nagbigay sa kanya ng pointers para sa runway kaya naman nagwagi rin siya ng special award na Best in Fashion Show.
Umaasa si Marianne na makakasali siya sa Binibining Pilipinas pagdating ng tamang panahon para makapag-compete rin siya sa Miss Universe pageant.
“I’m hoping na I can join the Binibining Pilipinas then Miss Universe na,” aniya na gusto ring mag-artista at makatrabaho sina Marian Rivera at Daniel Padilla.
Idolo naman niya si Catriona Gray sa mga beauty queen at ang Miss Universe 2018 ang nagbigay sa kanya ng inspirasyon para maging beauty queen din.
Hindi naman makalilimutan ni Marianne ang experience niya sa pagsali sa Little Miss Universe dahil, “It’s explore my dreams, my passion and being able to inspire other people is really a dream come true.”
Edad 11 pa lang si Marianne nang nag-umpisa siyang sumali sa mga local beauty pageant.
Sa huli sinabi ni Marianne na, ”gagawin niya ang lahat at tama para maging role model sa universe.”