Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Juliana Parizcova Segovia, Dennis Padilla, Janno Gibbs, Andrew E

Pagbibida ni Juliana Parizcova Segovia naudlot

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

NILINAW ni Juliana Parizcova Segovia na wala siyang sama ng loob sa hindi pagkakasama niya sa title role ng Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige nina Andrew E, Dennis Padilla, at Janno Gibbs ng Viva Films na idinirehe ni Al Tantay at mapapanood na sa December 31 sa Vivamax.

Plano pala talagang kasama si Juliana sa title. Actually, ang original title nito ay  Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay ngunit bigla itong nabago at natanggal ang “Sang-gay”  na tumutukoy sa kanyang karakter.

Paliwanag ni Juliana, ”Nag-usap kami ni Direk Al Tantay noong last shooting day namin. Originally kasi ang title ng movie is ‘Sanggano, Sanggago’t, Sanggwapo, Sang-gay.’ ‘Yun ang original title ng movie, ‘yun ang binuo ni Direk Al.

“Hindi ko alam kung ano ‘yung nangyari, pero siyempre kung mabibigyan ako ng chance, gusto ko nandoon talaga sa title ang karakter ko na Sang-gay.

“For me, isang napakalaking karangalan na mapasama, pero alam ko na may reason behind kung bakit nabago siya.

“Siguro, in God’s perfect timing, magkakaroon din ako kapag nagkasama-sama ulit kami, na nandoon na sa title ‘yung role ko,” mahabang paliwanag ni Juliana na isang lalaki ang ginampanang karakter sa pelikula.

Iginiit din ni Juliana na wala siyang sama ng loob sa Viva dahil sa nangyari. Bagkus, abot-langit ang pasasalamat niya sa Viva  dahil patuloy siyang binibigyan ng projects.

Natutuwa rin si Juliana na nakasama niya sa pelikula ang mga veteran at lodi ng komedya na sina Andrew E., Dennis, at Janno.

Saksihan sina Andrew E., Dennis, at Janno sa panggo-goodtime kasama sina Pepe Herrera at Juliana gayundin ang kanilang special resort guests na sina Rose Van Ginkel, Stephanie Raz, Ali Forbes, at Angela Morena sa Sanggano, Sanggago’t Sanggwapo 2: Aussie! Aussie O Sige sa Vivamax simula sa Dec. 31, 2021.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Andrea Brillantes Rekonek

Andrea naospital, ‘di nakadalo sa preem; Rekonek positibo mensahe sa pamilyang Pinoy

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez MAGANDA ang iniwang mensahe ng pelikulang Rekonek: anumang pinagdaraanan ng pamilya, mag-away-away …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …