Saturday , December 20 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Rhen Escaño Rita Martinez

Rhen wa ker kung lesbian ang maging ka-loveteam

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris V. Nicasio

 “M ASAYAHIN din   sila.” Ito ang    gustong ipakita ni Direk Sigrid Andrea Bernardo sa girl love series niyang Lulu mula Viva Films na ipalalabas sa Vivamax simula January 7, 2022 at pinagbibidahan nina Rhen Escano at Rita Martinez.

Ani Direk Sigrid, sa pamamagitan ng seryeng ito nais niyang makita ng mga tao na hindi lang puro issues ang mga tomboy, kundi masayahin din sila.

Sinabi pa ni Direk Sigrid na matagal na niyang itinatago ang konsepto ng kuwento ng Lulu.  Humahanap lamang siya ng tamang panahon para ituloy ang pagsulat nito at maipalabas sa telebisyon o sinehan.  

Kaya naman laking pasasalamat niya sa Viva na bukas sa realidad ng girl love at boy love stories dahil nabigyan siya ng pagkakataon na ibahagi ang kuwentong ito na tiyak magugustuhan ng mga open-minded na manonood.  

Ang Lulu ayon pa kay Direk Sigrid ay isang romantic comedy at hindi heavy drama na nakasanayan ng marami pagdating sa lesbian love stories. 

Aniya, ”I wanted ‘Lulu’ to be light. I want to focus doon sa individual struggles nila and love is secondary. And it will come naturally. Of course, we will tackle ’yong mga issue pero very, very subtle. It’s more of parang every-day life ng lesbian community.” 

Si Rhen na nagbida na sa Adan, The Other Wife, Paraluman ay gaganap bilang si Sophie at si Rita ng The Voice Philippines season 2 semifinalist, LGBTQIA+ advocate si Abi.   

Dahil sa relasyong nauwi sa hiwalayan, gusto munang lumayo at mapag-isa ni Sophie. Pati ang kanyang social media accounts ay deactivated. Nagtungo sa kanyang beach house na pinaparentahan sa AirBnB at inisip ipaayos. Ang kaso, lahat na lang ng ginagawa niya ay hindi maganda ang nagiging resulta.  At nang dumating si Abi sa kanyang bahay at buhay, nakaramdam siya na ito ay tama.

Si Abi ay isang butch lesbian, magaling magluto at tumutugtog bilang gitarista sa isang indie band. Laging planado. Pero dumating ang araw na gusto niyang maglakbay nang walang sinusunod na plano. 

Very natural si Rita sa kanyang acting kahit baguhan pa lang ito. Ito ang unang nakita sa kanya ni Direk Sigrid kaya siya ang napili sa mga nag-audition.

Sa kabilang banda, pangarap naman ni Rhen na magkaroon ng ka-lovetam at hindi niya alintana kung lesbian man ang maging ka-loveteam.

Ang Lulu ay may walong episodes na lalabas tuwing Biyernes sa Vivamax. Para mapanood ang Lulu, mag-subscribe sa Vivamax sa web.vivamax.net.  Maaari ring mai-download ang app at mag-subscribe sa Google Play Store, Huawei App Gallery at App Store.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

Sylvia Sanchez Im Perfect MMFF

Sylvia laban o bawi ang I’m Perfect

RATED Rni Rommel Gonzales MGA “anghel sa buhay namin” ang tawag ni Sylvia Sanchez sa mga cast …

Innervoices Aliw Awards

Innervoices Best Group Performer in Hotels, Music Lounges and Bars sa 38th Aliw Awards

RATED Rni Rommel Gonzales “MEN in white” barong ang peg ng paborito naming Filipino all-male …

Maya Twinyonaryo

Maya sa Twinyonaryo ng paghiram, paggastos 

NGAYONG Kapaskuhan, mas sulit ang bawat gastos mo lalo kung may chance manalo ng malaki …