FACT SHEET
ni Reggee Bonoan
ANG tarush ng mini-fridge ni Kim Chiu na paglalagyan ng kanyang beauty products na bigay ni Dr. Vicki Belo na ipinost ng TV host/actress sa kanyang IG story noong isang gabi.
Akala namin ay ang Louis Vuitton Tote bag na ang Christmas gift ni Dr. Vicki kay Kimmy noong i-raid niya ang dalawang side by side refrigerator nito sa bahay para i-check ang napakaraming chocolates na stock ng kilalang cosmetic doctor at beauty guru, iba pala ‘yun.
Sabi ng dalaga, ”yey, got this cute gift from Dr Belo.”
At binasa nito ang mensahe sa card, ”wishing you happiness and peace this Christmas. Thank you for being with us through these years. Merry Christmas and a Belo beautiful New Year.”
Ganyan ka-generous talaga si Dr Vicki Belo sa lahat ng Belo babies niya, staff at mga kaibigan na ilang dekada na rin namin siyang kilala ay hindi binago ng panahon kahit hindi kayo nagkikita at nagkaka-usap.