Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Beatrice Luigi Gomez Rabiya Mateo Catriona Gray Janine Tugonon Miriam Quiambao

MUP winners may sumpa nga ba sa lovelife?

KITANG KITA KO
ni Danny Vibas

HINDI naniniwala si Rabiya Mateo, 25, na may “sumpa” ang titulong Miss Universe Philippines (MUP) sa lovelife ng winners nito.

‘Yan ang naging opinyon ng ilan dahil sa nangyari sa buhay pag-ibig ng limang titleholders matapos nilang makoronahan.

As far as it is known, lima lang naman ang MUP na nakipaghiwalay sa boyfriend nila pagkatapos nilang makoronahan.

Sa ulat ni Jojo Gabinete sa PEP. ph kamakailan, panlima si Bea Luigi Gomez na nawalan ng girlfriend pagkatapos makoronahan.

Opo, girlfriend ang nawala kay Bea, hindi boyfriend. Siya ang MUP na kauna-unahang umamin na miyembro ng LGBTA. Actually, naiulat din dito sa Hataw na bago pa man nakoronahan si Bea ay break na sila ni Kate Jagdon pagkatapos nilang maging lovers for six years.

Marami ngang nagtaray kay Bea dahil noong nagwagi siyang MUP ay ‘di man lang n’ya in-acknowledge ang presence ni Kate.

Sumikat si Kate bilang GF ni Bea noong nagwagi siyang Miss Cebu na magri-represent sa syudad sa MUP. Tahasang ipinagmamalaki ni Bea si Kate at ang relasyon nila.

Bukod kina Bea at Rabiya, ang tatlo pang MUP na humiwalay sa boyfriend nila (o iniwan sila) ay sina Miriam Quiambao, Janine Tugonon, at Catriona Gray.

Kung lima lang sila, ‘di maituturing ‘yon na sumpa dahil napakaliit na porsiyento niyon sa MUP at maski na sa Bb. Pilipinas Universe.

At maituturing lang na sumpa ang isang kaganapan kung may kabuntot ito na kapahamakan o malaking perhuwisyo.

Lahad ni Rabiya kamakailan kay Bernie Franco ng PEP.ph: “To be honest po, it’s not like one shoe that fits everybody. I’m sure somehow there are different reasons that’s why this is happening.

“I cannot speak for other people. I can only speak for myself, and siguro hindi lang po kasi siya nangyayari sa amin.

“It’s just being [magnified] because we are beauty queens and people do put color.

“They put stories to what is happening, kahit minsan naman po… it’s actually a mutual decision.

“So, I guess, it’s not a curse.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Marikina

Pamamahala sa trapiko at seguridad sa Pasko, tututukan ng Marikina LGU

BILANG paghahanda sa inaasahang pagdagsa ng mamimili at motorista ngayong Christmas season, iniutos ni Marikina …

Water Faucet Tubig Gripo

Tserman ‘di nagbayad ng bill  
Tumana residents pinutulan ng supply ng tubig

MAAARING mag-Pasko na walang tubig ang mga residente ng Barangay Tumana sa Marikina City matapos …

JV Ejercito BIR LOAs

Sen. JV Ejercito hindi pinalampas BIR hearing kahit nasa ospital

NAGAWANG makadalo sa pamamagitan ng virtual hearing si Senator JV Ejercito sa pagdinig ng Blue …

LTFRB TNVS Car

TNVS pick-up fare, inaprobahan ng LTFRB

NAGPAPASALAMAT ang Transportation Network Vehicle Service (TNVS) Community Philippines makaraang pakinggan  ng Land Transportation Franchising …

Zaijian Jaranilla Earl Amaba Krystel Go Im Perfect

Zaijian nahirapan noong una: pero nang nakita ko ‘yung eksena sobrang magical

RATED Rni Rommel Gonzales MAHUSAY na aktor pero aminado si Zaijian Jaranilla na nahirapan siya sa papel …