Sunday , December 22 2024

Tagos hanggang 2022 elections
PAGKAWALA NI EVASCO SA PALASYO, DAGOK SA DUTERTE ADMIN

120221 Hataw Frontpage

MALAKING dagok sa administrasyong Duterte ang pagkawala ni dating Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr., at tumagos ang epekto nito hanggang sa darating na eleksiyon sa 2022 .

Pahayag ito ni Cleve Arguelles, political scientist sa The Australian National University kaugnay sa kawalan ng presidential bet ng administrasyon matapos umatras sa kanyang kandidatura si Sen. Christopher “Bong” Go.

Paliwanag ni Arguelles, resulta ito ng maling gameplay ni Go na sinolo ang pagkontrol sa administrasyon at mismong kay Pangulong Rodrigo Duterte.

“I think we’re seeing right now the results how they played their cards wrong particularly Sen. Go. If we take a long purview as how Sen. Go was able to consolidate his control of President Duterte , the people in Malacañang, the show in Malacañang from 2016 to the present , I think his idea or gameplay is  to wrestle control, that he has the centralized control of the entire administration,” ani Arguelles sa After the Fact sa ANC Philippines kamakalawa ng gabi.

Naetsapuwera aniya ni Go si Evasco sa power play kaya’t ang ideya na pagtatayo ng grassroot network type organizations para sa mga tagasuporta ni Duterte at semi-permanent organizations na mapapakinabangan sana ng administrasyon sa darating na eleksiyon ay nawala.

“I think he (Go) used to have a rival in the administration in the personality of then Cabinet Secretary Leoncio Evasco, Jr., who because of his idea of building a grassroot network type organizations for the supporters of Duterte and semi-permanent organizations that would have answered, if they had these organizations now they would have been well-placed in terms of winning and controlling the 2022 elections. But because he has been pushed out by Sen. Bong Go and his clique in the administration, now they are left with nothing but just  Sen. Bong Go,” ani Arguelles.

Inakala umano ng pangkat ni Go na ang popularidad lang ni Duterte ang magiging kapital sa eleksiyon at binalewala ang kahalagan ng grassroots network of organizations of supporters na kayang itatag ni Evasco.

“It seems that what I see is that they did bank in the President’s popularity and I couldn’t fault them for that. President Duterte is unusually popular compared to his predecessors at this point in the election period,” giit niya  

“But it’s looking bad enough given that the elections is not just about popularity but other things as well. You know command votes, election machines, etc., and usually in other cases when you are popular like Pres. Duterte, the counterpart for example of traditional political dynasties and traditional election machines, the counterpart is you have grassroots network of organization of supporters but they don’t have because they didn’t give Secretary Evasco a chance to build up that,” dagdag niya.

Hindi aniya pangkaraniwan na ang isang popular president  ay walang presidential bet ngunit nangyari ngayon dahil nawalan ng kontrol si Pangulong Duterte sa kanyang koalisyon sanhi ng pagkontrol ni Go sa access sa punong ehekutibo maging sa mga miyembro ng ruling coalition kaya’t nagkanya-kanya na lamang sila ng diskarte para sa halalan sa susunod na taon.

“He controls the access to the president even for the members of the ruling coalition,” aniya.

“I would imagine they wouldn’t want the same scenario or arrangement moving through in 2022,” ayon kay Arguelles.

About hataw tabloid

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …