Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Erich Gonzales Raymond Bagatsing Janice De Belen Kit Thompson

Mundo ni Lena magbabago na

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

MAGBABAGO na ang mundo nina Lena (Erich Gonzales) at Lukas (Raymond Bagatsing) dahil matutuklasan na nilang magkadugo at mag-ama sila ngayong linggo sa La Vida Lena, na napapanood gabi-gabi sa Kapamilya Channel, A2Z, at TV5.

Sa isang enggradeng party, magkakaroon ng matinding komprontasyon sina Lena at Lukas sa harap ng kanilang mga pamilya at kasosyo sa negosyo.

Pero emosyonal na papagitna sa kanila si Ramona (Janice De Belen) at ibubulgar nito ang katotohanang mag-ama ang dalawa na ikagugulat ng lahat.

“Sa dinami-dami ng pwede kong maging tatay, bakit si Lukas Narciso pa? Siya ang dahilan ng lahat ng paghihirap ko noon!” daing ni Erich pagkatapos mabasa ang positibong resulta ng DNA test nilang dalawa.

Subaybayan ang ikatlong season ng La Vida Lena mula Lunes hanggang Biyernes, 10:00 p.m.  

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Love Kryzl

Single na “Kayong Dalawa Lang” ni Love Kryzl, swak para sa kasal nina Kiray at Stephan 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG orihinal na love song ng talented na batang si …

Jojo Mendrez Mark Herras

Mark Herras, bumulaga sa music video ng “Ngayong Pasko’y Ikaw Pa Rin” ni Jojo Mendrez?

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio LABAS na ang music video ng Christmas song ni Jojo …

Kip Oebanda Bar Boys 2

Direk Kip ng Bar Boys ayaw sa political dynasty

RATED Rni Rommel Gonzales TUTOL ang Bar Boys: After School director na si Kip Oebanda sa nagaganap na political …

Rabin Angeles Angela Muji Jadine

RabGel bagong JaDine ng Viva

I-FLEXni Jun Nardo HAYOP ang unang character sa pelikula ng Viva artist na si Rabin Angeles. Sila ng …

Emilio Daez Kip Oebanda Bar Boys 2

Emilio Daez pinahirapan ni direk Kip

I-FLEXni Jun Nardo PINAHIRAPAN ni direk Kip Oebanda si Emilio Daez sa una nitong pelikula  na Bar Boys After School. …