Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

Dargani siblings ipinakulong na sa Pasay city jail

IPINAG-UTOS ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kay Office of Senate Sargent at Arms (OSAA) chief, ret. Gen. Rene Samonte ang agarang paglipat sa magkapatid na Pharmally Official Mohit at Twinkle Dargani sa Pasay City Jail.

Ang kautusan ay ipinalabas ni Gordon nang mabigong makipagtulungan si Mohit sa Senado na ipagkaloob ang mga dokumentong hinihingi nila.

Ayon kay Gordon, maliwanag na nanloloko si Mohit dahil hindi maituro kung nasaan ang warehouse, opisina, at maging ang bahay na pupuntahan nila ng team ng OSSA para kunin ang ‘boxes’ na umano’y pinaglalagyan ng mga dokumento ng kompanya.

Batay sa pahayag ni Mohit sa pinakahuling pagdinig ng Senado ukol sa kontrobersiya, nasa loob ng ‘boxes’ ang mga dokumentong hinahanap at hinihingi ng mga senador.

Nagtataka si Gordon, na hindi alam ni Mohit kung saan sila tutungong lugar para kunin ang mga dokumento.

Naniniwala si Gordon, talagang nagsisinungaling ang mga opisyal ng Pharmally at pinaiikot-ikot lamang sila ng mga testigo.

Maging ang abogado ng mga Dargani na si Atty. Kapunan ay nagulat nang tawagan siya ng OSAA at tanungin tungkol sa ‘boxes.’

Ayon kay Samonte halos mahulog daw sa kinauupuan ang abogado dahil wala siyang nalalaman sa tinutukoy na ‘boxes.’

Magugunitang napunta sa pangangalaga ng senado ang magkapatid na Dargani nang tangkaing lumabas ng bansa  sa pamamagitan ng isang private flight.

 (NIÑO ACLAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …

Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak sa Antipolo

Sa Antipolo
Nag-alok ng droga binoga babaeng tulak tigbak

PATAY ang isang babae matapos barilin ng lalaking sinabing inalok niyang bumili ng ilegal na …