ni Maricris V. Nicasio
AMINADO si Gigi De Lana na kinilig siya nang malamang si Gerald Anderson ang makakatambal niya sa unang sabak sa pag-arte sa pamamagitan ng Hello, Heart ng iQiyi’s Original at ABS-CBN. Pero aminado rin itong nailang sa aktor.
Sina Gigi at Gerald ang bibida sa romantic comedy na Hello, Heart na mala-K-drama ang dating na mapapanood na simula December 15, 8:00 p.m.
Pag-amin ni Gigi sa isinagawang virtual media conference kahapon, nape-pressure siya dahil hindi naman acting ang nakasanayan niya.
“May halong pressure, kasi kinalakihan ko is pagkanta. ‘Yun ‘yung passion ko. Pero ‘yung nakikilala ako ngayon as artista, it’s a big accomplishment for me, and gusto ng mom ko na mag-artista ako.”
Bagama’t pressured proud naman sa sarili niya si Gigi. ”I’m proud of myself, kasi malayo and singing sa pagiging artista, since sa pag-aartista ‘di lang ako kumakanta lang, ibinibigay ko ‘yung buong puso ko. Grabe very open and very vulnerable talaga ‘yung pagiging artista, so I’m very very happy na ganito ‘yung nakakamit ko.”
Ginagampanan ni Gerald ang karakter ni Saul isang emotionless, business-as-usual guy na nag-hire kay Gigi para magpanggap na asawa nito para mapagbigayan ang lolang may dementia.
Ani Gerald nag-research pa siya ng tungkol kay Gigi nang malaman niyang ito ang makakapareha niya. ”First of all I was excited kasi it’s something na ‘yung character ko bilang Saul is a character I’ve always wanted to play. You know, business tycoon and very me. It’s a dynamic character and noong sinabi na si Gigi makakasama ko siyempre ni-research ko agad sa Youtube. I watched her videos na kumakanta and for some reason it always works when there’s fresh and new tandem.”
Sinabi ni Gerald na na-excite siya na baguhan ang makakatambal niya. “It excites me because it’s another challenge as an actor. And it’s exciting for the fans. Again for Gigi’s fans, please watch out for her, she worked so hard, and pinaghirapan din ng maraming tao and on December 15 on iQiyi, panoorin po ninyo.”
Sa kabilang banda, nagsanib-puwersa ang nangungunang media at entertainment company na ABS-CBN at global streaming service na iQiyi para itaguyod ang mga kuwento at talento ng Filipino sa pamamagitan ng mga orihinal na produksiyong ilulunsad nila para sa subscribers ng iQiyi sa buong mundo.
Nanguna sa naganap na pirmahan kahapon (Nobyembre 23) sina ABS-CBN COO of broadcast Cory Vidanes at iQiyi Philippines country manager Sherwin Dela Cruz, kasama sina Dreamscape Entertainment head Deo Endrinal at iQiyi Philippines marketing supervisor Andrea Reyes.
Kabilang sa kanilang ginagawang serye ang Saying Goodbye nina Andrea Brillantes at Seth Fedelin, Hello, Heart, at Lyric and Beat, na mga unang local originals ng iQiyi sa Southeast Asia.
Para sa iba pang amazing Asian content, puweeng mag-log in for free o mag-sign up for a subscription (skip ads) sa the iQiyi app and www.iQ.com.