IPINATITIGIL ni Senador at vice presidential aspirant Francis “Kiko” Pangilinan ang Updenna Lumbo Spring Bulk Water Supply Project sa Dolores, Quezon dahil ito ay mayroong nakaambang panganib dulot ng mga livelihood project ng mga magsasaka.
Dahil dito naghain si Pangilinan ng resolusyon bilang pagpapakita ng suporta sa local farmers, National Irrigation Administration (NIA), at sa local governments ng Dolores at Tiaong.
Ang resolusyon ni Pangilinan ay opisyal na babasahin sa sa Lunes sa session ng senado.
Naniniwala ng local farmers kasama ang NIA at ang local governments of Dolores at Tiaong na ang naturang proyekto ay magdudulot ng kakulangan sa water supply at livelihood na malaking problema ng probinsiya.
“There is a clear threat of irrigation water shortage due to the increasing number of water users both for domestic and agricultural use. The proposed project and the continuous decrease of water discharge will jeopardize the government’s thrust toward food security and will decrease farmers’ potential income,” pahayag ng NIA.
Nauna rito, inihayag ng LGU sa Tiaong na nakatangap sila ng mga reklamo at negatibong reaksiyon sa naturang proyekto dahil sa negatibong epekto nito sa livelihood at food production. (NIÑO ACLAN)