Wednesday , December 18 2024
Nicole Laurel

Nicole Laurel nakabuo ng kanta dahil sa Christmas movie sa Netflix

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

DAHIL mas mahilig naman talaga ang mga Laurel sa sining kaysa politika, ‘di nawawalan ng Laurel sa larangan ng sining dito sa bansa. 

Dahil mukhang mas abala ngayon si Denise Laurel sa pag-aalaga ng 10-year-son n’ya sa ex-husband n’yang foreigner, ang singer-composer naman na si Nicole Laurel ang pagtuunan natin ng pansin. 

Ang youngest sister ni Victor “Cocoy” Laurel na si Iwi Laurel-Asencio ang ina ni Nicole. Anak ng opera singer-producer-educator na si Fides Cuyugan-Asencio ang tatay ni Nicole. 

Nicole is all set to release her new song Christmas Without You sa November 26 sa Spotify. Si Nicole rin mismo ang composer ng kantang tungkol sa goodbyes and well wishes ng isang couple dahil papaalis ang isa sa kanila para magtrabaho sa ibang bansa para masuportahan ang mga mahal n’ya sa buhay. 

Alam n’yo bang nagsimula si Nicole sa pagku-compose ng  Christmas Without You sa pamamagitan lang  ng pagha-hum ng opening lines nito?

At habang iniha-hum n’ya ito, unti-unti n’yang nilalagyan ng lyrics. 

Bihira tayong makarinig o makabasa ng mga detalye sa pagbuo ng isang kanta, kaya’t heto at ikinuwento sa amin very sweetly kung paano n’ya binuo ang awitin. 

“Ang nangyari ay noong matapos ko ang first verse, wala nang kumatas sa isip at sa puso ko na kasunod na mga nota at titik. Naisip kong manood ng Christmas movies sa Netflix para ma-inspire na makabuo ng lyrics man lang… at nakabuo nga ako ng first draft hindi lang ng lyrics ng kanta kundi pati melody o basic music ng kanta,” paggunita ni Nicole. 

Kabilang sa nabuong lyrics ang pananatiling hopeful ng characters during the holiday season kahit hindi sila magkapiling. Inalala na lang nila ang mga nakaugalian na nilang gawin na magkasama noong mga Paskong nagdaan. Sa paggunita ng mga iyon tumatatak sa kanilang isip at puso na may mga darating pang Pasko sa kanilang buhay na totoo at mas masaya silang magkaniig.

Dahil may first draft na, naisipan n’yang iparinig ‘yon sa isang kapwa composer na Nigerian at sa Dumaguete nakatira. Sam Akins ang pangalan ng composer na nakatrabaho na rin n’ya sa ilang music project. 

 Ipinayo ni Sam ang “lyrical adjustments,” sa kanta.

Ani Nicole may puntong ‘di n’ya mawari kung paano wawakasan ang kanta. Kaya ipinadala niya ang demo kay Sam at ini-request na kantahin iyon. 

Patuloy na kuwento ni Nicole: “Sam and I got on a zoom call with Michael Guevarra, a bona-fide jazz big-band arranger and saxophone player to brainstorm. 

“Michael screen-shared his music sheets and filled them in as we etched out the notes and melodies together over zoom. 

“It was my first time to write and do arrangement sessions over zoom, with all the connection interruptions, barking dogs and ambient noise…”

May iba pang naging collaborators si Nicole sa pagbuo ng kanta bilang recorded single. “While Michael wrote out the big-baand section, me and Ira Cruz got to work mapping out the intro, verse and coda of the song. It was a collaborative effort in terms of sound and arrangement. 

“And then Michael enlisted Otep Concepcion on drums, Simon Tan (AMP Bigband) on upright bass, Nikko Rivera (who arranged last year’s ‘See You This Christmas’ on keys Lester Sorilla on trumpet, Darius Mendoza on Trombone and Himself on Saxophone,” kuwento pa ni Nicole. 

Pinaka-punchline n’ya sa pagkukuwento: “We all kept it simple and recorded in our own homes using our own set-ups.”

About Danny Vibas

Check Also

Vilma Santos

Vilma pumalag ginagamit ng isang pekeng gamot online

HATAWANni Ed de Leon GUMAWA na po ng statement ang Star For All Seasons na …

Lala Sotto MTRCB

MTRCB Inilabas na, angkop na klasipikasyon para sa siyam na pelikula

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio SIYAM na pelikula—mula sa maaksiyon hanggang sa nakakaantig-ng-pusong mga istorya—ang …

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

Direk Romm Burlat at Tess Tolentino, wagi sa 9th Urduja Film Festival

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGWAGI ng apat na major awards ang pelikulang ‘Manang’ sa …

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5

Merry ang Vibes ng Pasko sa TV5 ngayong Disyembre

NGAYONG Kapaskuhan, hatid ng TV5 ang ultimate Christmas saya sa isang star-studded Christmas extravaganza at bagong updates …

Vic Sotto Piolo Pascual Kingdom

The Kingdom nakae-excite, maraming matututunan  

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAGASTOS ang The Kingdom, dahil pawang malalaki ang eksena at locations. Hindi …