Wednesday , December 4 2024
Rodrigo Duterte, Harry Roque

Duterte, Roque 2022 substitute senatorial bets

HINDI tinotoo ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag na magreretiro sa politika pagbaba sa Malacañang sa 2022.

Isinumite kahapon sa Commission on Elections (Comelec) ni Atty. Melchor Jaemond Aranas  ang certificate of candidacy (COC) ni Pangulong Duterte bilang senatorial bet ng Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan party (PDDS).

Pinalitan ni Duterte si Mona Liza Visorde na iniatras ang kanyang senatorial bid sa ilalim  ng PDDS.

Ang political move ni Pangulong Duterte ay taliwas sa sinabi ni Communications Secretary Martin Andanar kamakalawa na babalik sa Comelec ang punong ehekutibo para maghain ng COC bilang vice president.

Habang si Presidential Spokesman Harry Roque ay naghain ng kanyang COC bilang senatorial bet ng People’s Reform Party (PRP) kapalit ni Paolo Mario Sarmiento Martileno na iniatras ang kanyang kandidatura.

Nauna rito’y nabigo si Roque na mapili bilang miyembro ng International Law Commission (ILC).

Itinalaga ni Pangulong Duterte si Cabinet Secretary Karlo Nograles bilang acting presidential spokesman kapalit ni Roque. (ROSE NOVENARIO)

About Rose Novenario

Check Also

Araw ng Pasay PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

Sa Araw ng Pasay 2024  
PARADE OF LIGHTS, STREET DANCING, AND PARADE OF FLOATS ITINAMPOK

MAS PINASAYA at mas pinabongga ang Parade of Lights at Street Dancing Competition nang magtagisan …

Sara Duterte impeach

‘Impeach VP Sara’ inihain sa Kamara

ni GERRY BALDO  HABANG patuloy ang imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa sinabing ilegal na …

Krystall Herbal Oil

Nangangaliskis na skin pinakinis ng krystall herbal oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Neri Naig

Neri sobrang na-stress nagpadala sa ospital

PANSAMANTALANG inilabas ng Pasay City Jail si Neri Naig at dinala siya sa ospital dahil sa kahilingan …

Robert Ace Barbers Jaime B Santiago

Naninira, nagkakalat ng kasinungalingan
BAYARANG VLOGGERS LABAN SA QUAD COMM IPINATUTUGIS SA NBI

ni GERRY BALDO  SINASALO man ng House Quad Committee ang mga banat sa kanila, hindi …