Tuesday , May 13 2025

Miyembro kahit 4 lang
P4.1-B BUDGET NG QUEZON IPINASA NG KONSEHO

111521 Hataw Frontpage

LUCENA CITY— Pas­pa­sang inaprobahan ng Sangguniang Panlala­wigan ng Quezon ang nakabinbing 2021 Annual Budget kahit apat lamang ang du­malong miyembro nito sa isang special session noong Sabado.

Sa pagpupursigi ni Bokal Donaldo “Jet” Suarez, anak ni Quezon Governor Danilo Suarez, ipinasa ng konseho ang 2021 Revised Provincial Annual Budget na P4,157,830,020.

Una rito, binuo ng konseho kasama si Vice  Governor Samuel Nantes ang kapulungan bilang committee-as-a-whole noong umaga ng Sabado at makatang­hali ay isinagawa ang special session.

Bukod kay Suarez, dumalo rin ang tatlo niyang kaalyado sa Minority Bloc na sina Bokal Alona Obispo, Yna Liwanag, at Rhodora Tan.

Kaagad idinaos ang marathon committee hearing at special session matapos patawan ang walong bokal na bumu­buo ng Majority Bloc ng 60- day suspension nitong 11 Nobyembre ng Department of the Interior and Local Government (DILG) base sa kautusan ng Office of the President, kung saan nagsampa ng demandang abuse of authority, oppression at grave misconduct.

Ang ika-13 bokal na si Reynan Arrogancia na kabilang din sa majority bloc ngunit hindi kasama sa suspensiyon ay hindi dumalo sa nasabing committee hearing at special session kung kailan ipinasa din ang provincial annual investment plan para sa 2022 na nagkakahalaga ng P5,331,658,038 na pagbabasehan ng proposed annual budget para sa susunod na taon.

Ayon kay Ubana, tumatayong leader ng Majority bloc, wala sa kanila ang pagkukulang kung bakit hindi naipasa ang panukalang 2021 annual budget. Sinunod lamang umano nila ang mga proseso at alitun­tunin na itinakda ng batas hinggil sa pagtitiyak na magagastos nang tama ang salapi ng bayan.

Malinaw aniya na batay sa kanilang gina­wang pag-aaral, may­roong mga probisyon sa Annual Proposed Budget na hindi tumutugma sa orihinal na Annual Investment Plan na naunang naaprobahan ng konseho.

Una, may nakita umano silang halos P200-300 milyong disconnected o hindi tugma sa orihinal na plano na dapat pagka­gastusan ng pondo.

Pangalawa, hindi detalyado ang malaking bahagi ng proposed budget lump sum. Naka­saad sa Budgetary Regulation na dapat detalyado ang lahat ng gastusin, anong proyekto, at saang bayan o bara­ngay ito gagamitin.

Pangatlo, hindi uma­no tugma ang nakapaloob na mungkahing budget doon sa mensahe ng gobernador (Executive Message). Nakasaad sa mensahe na “this budget seeks to provide response and recovery for Covid. Ngunit nang suriin ang nilalaman nito ay nakita na halos lahat ng provincial hospital ay nabawasan pa ng halos 40% ang MOOE (maintenance and other operating expenses), samantala ang halos lahat ng ospital sa probinsiya ay may kargang halos P40 milyong pondo para sa dagdag na manggaga­wa o emmpleyadong casual at  job order, sa ilalim ng Governor’s Office.

Sapat ang mga dahilang ito, ayon kay Ubana, para hindi nila ipasa ang naturang budget proposal.

Mayroon din ani­yang sapat na panahon ang Office of the Governor para bagu­hin o gawan ng revision ang disapproved na budget proposal at mabigyan ito ng pagkakataong maaprobahan ngunit hindi ito ginawa ng gobernador at sa halip ay inakusahan pa ang konseho ng pamomo­litika.

Sinabi ni Ubana, ang paghahain ng kaso para sa kanilang sus­pen­siyon ay malinaw na paraan ng gobernador upang pilayin sila at hindi tuluyang magam­panan ang kanilang tungkulin na bantayan at siguraduhing naga­gas­tos nang tama ang pera ng bayan. (HNT)

About hataw tabloid

Check Also

Comelec Pasig

Kasama ang 92-anyos kapatid at tumangging dumaan sa priority lane
101-ANYOS BOTANTE SA PASIG UMAKYAT SA 3/F PARA IBOTO MGA KANDIDATONG SINUSUPORTAHAN

KABILANG ang isang 101-anyos senior citizen sa mga pinakamaagang nagtungo sa San Miguel Elementary School, …

Comelec QC Quezon City

3 botante sa QC hinimatay sa matinding init

INIULAT ng Quezon City Disaster Risk Reduction Management Office (QCDRRMO) na tatlong babaeng botante ang …

Comelec Vote Election Hot Heat

Sa Pangasinan
Buntis na nagle-labor bumoto, senior citizen dedbol sa init

SA KABILA ng mga hudyat ng pagle-labor, nagawang bumoto muna ng isang buntis sa lalawigan …

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

P7.5-M imported shabu nasabat sa Port of Clark

TINATAYANG 1.112 kilo ng imported na methamphetamine hydrochloride (shabu) na nagkakahalaga ng P7,561,000 ang nasabat …

liquor ban

33 katao sa central luzon dinakma sa liquor ban

HALOS 33 katao ang naaresto sa magkakahiwalay na insidente sa mga lalawigan ng Nueva Ecija, …