Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
John Lloyd Cruz, Isabel Santos

John Lloyd at Isabel may espesyal na ugnayan nga ba?

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

INILILIHIM nga ba ni John Lloyd Cruz ang sinasabing bagong girlfriend nito, ang painter na si Isabel Santos? Ang pagtukoy sa bagong GF ni Lloydie ay ayon sa netizen na may matatalim na mga mata at memorya.

May na-monitor ang netizens na serye ng Instagram posts ni Isabel na may mga litrato ng isang lalaking nakatalikod na ka-profile ng likod ni John Lloyd. Madalas ay may kasamang dalawang aso ang lalaki. Identified ang dalawang aso na ‘yon na pag-aari ni Isabel.

Noong November 8, isang fan account ang nag-repost ng litrato ni John Lloyd na sinasabing mula sa Instagram Story ni Isabel.

Kasama ni John Lloyd sa loob ng sasakyan ang dalawang puting aso na tugma sa mga alagang aso ni Isabel na sina Noah at Benny.

May post din umano si Isabel ng litrato ng lalaking nakatalikod, kasama pa rin ang dalawang aso, na kuha sa umano’y harapan ng bahay ni John Lloyd sa Antipolo. 

May litrato ang lalaking nakatalikod na kuha umano sa infinity pool sa resthouse ni John Lloyd sa Batangas. Kasama pa rin ng lalaki ang dalawang aso. 

Magkakilala sina John Lloyd at Isabel dahil sa art scene.

Noong June 13, ipinost ni John Lloyd sa Instagram n’ya ang litrato ng painting na gawa ni Isabel at ng ina nitong si Mona.

Anak si Isab nina Soler at Mona Santos na mga respetadong contemporary Filipino artists.

Si Soler ay anak ng yumaong award-winning painter at cartoonist na si Mauro Malang Santos.

Ayon sa ulat ng Preview noong 2019, nakapag-exhibit na si Isabel ng kanyang art pieces sa New York, Germany, at France.

Nanalo siya ng grand prize sa isang global shirt design competition na may temang Draw Your World at ka-partner ng brand ng shirt na iyon ang The Museum of Modern Art (MOMA) sa New York. 

Okey lang naman na ilihim ni John Lloyd ang lovelife n’ya. Pero okey din na alamin ‘yon ng netizens sa mga paraang legal at moral. Mali lang ‘yon kung nilolooban nila ang bahay nino man para makakuha ng litrato.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Lala Sotto MTRCB Warner

Lala Sotto, nakipagpulong sa mga kinatawan ng Disney+, Warner Bros., at HBO

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ANG Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson …

Bela Padilla Rekonek

Bela Padilla kayang mabuhay nang walang internet, tampok sa MMFF entry na “Rekonek”

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio ISANG overseas Filipino worker (OFW) ang papel na ginagampanan ni …

Andrea Gutierrez Isha Ponti Rey Valera

Andrea at Isha binigyan ng kanta ni Rey Valera 

RATED Rni Rommel Gonzales NGAYONG Sabado ng gabi, December 13, magaganap ang concert nina Andrea Gutierrez at Isha …

Anthony Taberna Roselle Taberna TGC

TGC nagpasalamat sa mga kabahagi nila sa tagumpay

I-FLEXni Jun Nardo LUMAGO na ang Taberna Group of Companies kaya naman mayroon na silang sariling building …

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …